Skip to content

Commit

Permalink
Adding tl/2024-04/01-02
Browse files Browse the repository at this point in the history
  • Loading branch information
VitalikL committed Sep 29, 2024
1 parent 98eb57f commit 60c9522
Show file tree
Hide file tree
Showing 122 changed files with 1,146 additions and 0 deletions.
20 changes: 20 additions & 0 deletions src/tl/2024-04/01/01.md
Original file line number Diff line number Diff line change
@@ -0,0 +1,20 @@
---
title: Mga Tanda na Nagtuturo ng Daan
date: 28/09/2024
---

### Basahin Para sa Pag-aaral sa Linggong Ito
Juan 2:1-11; Juan 4:46-54; Juan 5:1-16; Marcos 3:22, 23; Mateo 12:9-14; Juan 5:16-47.

> <p>Talatang Sauluhin</p>
> “Gumawa si Jesus ng marami pang ibang mga tanda sa harapan ng kanyang mga alagad, na hindi naisulat sa aklat na ito. Ngunit ang mga ito ay isinulat upang kayo’y sumampalataya na si Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos; at sa pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa kanyang pangalan” (Juan 20:30, 31).
Bakit isinulat ni Juan ang kanyang ebanghelyo? Nais ba niyang bigyang-diin ang mga himala ni Jesus? O bigyang-diin ang ilan sa mga tiyak na turo ni Jesus? Ano ang dahilan ng pagsulat niya ng kanyang ginawa?

Sa ilalim ng kapangyarihan at impluwensya ng Banal na Espiritu, ipinapaliwanag ni Juan kung bakit. Sinasabi niya na bagaman marami pang mga bagay ang maaaring maisulat tungkol sa buhay ni Cristo (Juan 21:25), ang mga kuwentong kanyng isinama ay nangasulat upang “kayo’y sumampalataya na si Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos, at sa pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa kanyang pangalan” (Juan 20:31).

Ngayong linggo titingnan natin sa Juan ang ilan sa mga naunang himala ni Jesus—mula noong Kanyang gawin ang tubig na alak sa isang kasalan, hanggang sa pagpapagaling ng isang taong ang anak ay may malubhang sakit, hanggang sa pagpapagaling ng lalaki sa tipunan ng tubig sa Bethesda.

Tinatawag ni Juan ang mga himalang ito na “mga tanda.” Hindi niya ibig sabihin ang katulad ng isang tanda sa kalye, kundi isang mahimalang pangyayari na nagtuturo sa isang malalim na katotohanan: Si Jesus bilang ang Mesiyas. Sa lahat ng mga kuwentong ito, nakikita natin ang mga halimbawa ng mga tao na tumugon sa pamamagitan ng pananampalataya. At ang kanilang mga halimbawa ay nag-aanyaya sa atin na gawin ang gayun din.

_*Pag-aralan ang liksyon sa linggong ito bilang paghahanda para sa Sabbath, Oktubre 5._
22 changes: 22 additions & 0 deletions src/tl/2024-04/01/02.md
Original file line number Diff line number Diff line change
@@ -0,0 +1,22 @@
---
title: Ang Kasalan sa Cana
date: 29/09/2024
---

`Basahin ang Juan 2:1-11. Anong tanda ang ginawa ni Jesus sa Cana, at paano nito tinulungan ang kanyang mga alagad na manampalataya sa kanya?`

Ang pagkakita kay Jesus na gumawa ng himala nang gawin ang tubig na alak ay nagbigay ng katibayan kasang-ayon sa pagpapasiya ng mga alagad na sumunod kay Jesus. Paanong ito’y hindi magiging isang makapangyarihang tanda na nagtuturo sa kanya bilang Isang mula sa Diyos? (Maaaring hindi pa sila handa na maunawaan na Siya ay Diyos).

Si Moises ay lider ng mga Israelita, at dinala niya ang Israel palabas ng Ehipto sa pamamamagitan ng “mga tanda at kababalaghan” (Deuteronomio 6:22, Deuteronommio 26:8). Siya ang lalaki na ginamit ng Diyos upang palayain ang Israel mula sa mga Ehipsyo. (Siya, sa isang kahulugan, ang kanilang “tagapagligtas”).

Nagpropesiya ang Diyos sa pamamagitan ni Moises na darating ang isang propeta na kagaya ni Moises. Hiningi ng Diyos sa Israel na makinig sa kanya (Deuteronomio 18:15, Mateo 17:5, Gawa 7:37). Ang “propetang” iyon ay si Jesus at, sa Juan 2, ginawa ni Jesus ang Kanyang unang tanda, na siyang nagtuturong pabalik sa pagliligtas ng mga anak ni Israel mula sa Ehipto.

Ang ilog Nile ay isang mahalagang pinagkukunan at isang diyos para sa mga Ehipsyo. Isa sa mga salot ay nakatuon sa ilog-ang pagbabago ng tubig nito na naging dugo. Sa Cana, ginawa ni Jesus ang kaparehong himala ngunit, sa halip na gawing dugo ang tubig, ginawa Niya itong alak.

Ang tubig ay nagmula sa anim na tapayan ng tubig na ginagamit sa mga layunin ng paglilinis sa mga rituwal ng mga Judio, na iniuugnay ang himala ng higit na malapit sa mga tema ng kaligtasan sa Biblia. Sa pag-alaala sa pangyayari ng gawin ang tubig na alak, at sa gayon ay tumutukoy pabalik sa Exodo, itinuturo ni Juan si Jesus bilang ating Tagapagligtas.

Ano ang inisip ng pinuno ng piging tungkol sa hindi fermented na alak na ipinagkaloob ni Jesus? Tunay nga na siya ay nabigla sa uri ng inumin at, sa hindi pagkaalam ng himala na ginawa ni Jesus doon, ay inisip na itinago nila ang pinakamasarap bilang panghuli.

Ang terminong Griego na oinos ay ginagamit kapwa sa sariwa at fermented na katas ng ubas (tingnan ang Seventh-day Adventist Bible Dictionary, p. 1177). Sinabi ni Ellen G. White na ang katas na ginawa sa pamamagitan ng himala ay hindi nakakalasing (tingnan ang “At the Marriage Feast,” The Desire of Ages, p. 149). Walang pag-aalinlangan, ang mga nakakaalam ng nangyari ay namangha sa kung ano ang naganap.

`Ano ang iyong mga dahilan upang sumunod kay Jesus? (Marami nang naibigay sa atin, hindi ba?)`
20 changes: 20 additions & 0 deletions src/tl/2024-04/01/03.md
Original file line number Diff line number Diff line change
@@ -0,0 +1,20 @@
---
title: Ang Pangalawang Tanda sa Galilea
date: 30/09/2024
---

Sa kabuuan ng Kanyang ministeryo sa lupa, gumawa si Jesus ng mga himala na nakatulong sa mga tao na manampalataya sa Kanya. Itinala ni Juan ang mga himalang ito upang ang iba ay manampalataya din kay Jesus.

`Basahin ang Juan 4:46-54. Bakit gumawa ang ebanghelista ng paguugnay pabalik sa himala sa piging ng kasalan?`

Sa pagbibigay ng salaysay ng pangalawang tanda na ginawa ni Jesus sa Galilea, itinuturo ni Juan ang unang tanda, sa kasalan sa Cana. Parang sinasabi ni Juan, “Ang mga tanda na ginawa ni Jesus ay tutulong sa iyo na makita kung sino si Jesus.” Pagkatapos ay idinagdag ni Juan, “ito ang ikalawang tanda na ginawa ni Jesus pagkatapos na siya’y pumunta sa Galilea mula sa Judea” (Juan 4:54).

Sa una, ang tugon ni Jesus sa pakiusap ng pinuno ay tila magaspang. Gayunpaman, ang pagpapagaling sa kanyang anak na lalaki ay ginawang pamantayan ng opisyal na ito upang manampalataya kay Jesus. Nababasa ni Jesus ang kanyang puso at tinukoy ang sakit sa espiritu na lalong malala kaysa sa sakit na nagbabanta sa buhay ng kanyang anak. Tulad ng isang kidlat mula sa isang bughaw na kalangitan, biglang naunawaan ng lalaki na ang kanyang espirituwal na kahirapan ay maaaring magdulot ng pagkamatay ng kanyang anak.

Mahalagang maunawaan na ang mga himala, sa ganang kanilang sarili, ay hindi nagpapatunay na si Jesus ang Mesiyas. Ang iba ay gumawa ng mga himala. Ang ilan ay mga tunay na propeta, ang iba ay hindi. Ipinapakita lamang ng mga himala ang pag-iral ng supernatural; Sa kanilang sarili, hindi nangangahulugan na tiyak na ang Diyos ang gumagawa sa kanila (makakagawa ng mga “himala” si Satanas, kung sa pamamagitan ng salitang mga “himala” ang ibig nating sabihin ay ang mga gawang supernatural).

Ang pinuno sa kanyang pagkahapis ay inilagak ang kanyang sarili sa habag ni Jesus, nakikiusap sa Kanya na pagalingin ang kanyang anak na lalaki. Ang tugon ni Jesus ay nagbibigay-katiyakan. Sinabi niya, “Humayo ka na, ang anak mo ay mabubuhay” (Juan 4:50). Ang pandiwang “mabubuhay” ay nasa pangkasalukuyang pamanahon sa Griyego. Ang paggamit na ito ay tinatawag na “panghinaharap na pangkasalukuyan,” kung saan ang hinaharap na pangyayari ay sinalita na may gayong katiyakan katulad nang ito ay kasalukuyang nagaganap. Hindi nagmadaling umuwi sa bahay ang lalaki ngunit, sa pananalig kay Jesus, ay umuwi nang sumunod na araw—at nasumpungan na, sa mismong oras nang sabihin ni Jesus ang mga salitang iyon, nawala ang lagnat ng kanyang anak na lalaki.

Gaano kamakapangyarihang dahilan upang manampalataya kay Jesus!

`Kahit na makakakita tayo ng isang himala, anong iba pang pamantayan ang dapat nating tingnan bago agad ipagpalagay na ito ay galing sa Diyos?`
16 changes: 16 additions & 0 deletions src/tl/2024-04/01/04.md
Original file line number Diff line number Diff line change
@@ -0,0 +1,16 @@
---
title: Ang Himala sa Tipunan ng Tubig ng Bethesda
date: 01/10/2024
---

Ang sumunod na tanda na itinala ni Juan ay naganap sa tipunan ng tubig ng Bethesda (Juan 5:1-9). Pinaniniwalaan na isang anghel ang nagpapagalaw sa tubig at ang unang maysakit na makalusong sa tubig ay gagaling. Dahil dito, ang mga portico ng tipunan ng tubig ay puno ng mga umaasang mapapagaling sa susunod na paggalaw ng tubig. Naparoon si Jesus sa Jerusalem at, samantalang Siya ay dumaraan sa tipunan ng tubig, nakita Niya ang maraming naghihintay.

Anong klaseng tanawin din ito! Ang lahat ng mga taong ito, ang iba ay tiyak na maysakit, ay patuloy na naghihintay para sa kagalingan sa tubig na tiyak na hindi darating. Gaano kalaking pagkakataon para kay Jesus!

`Basahin ang Juan 5:1-9. Dahil ang bawat isa sa tipunan ng tubig ay tiyak na nagnanais na gumaling, bakit tinanong ni Jeuss ang paralitiko kung nais niyang gumaling (Juan 5:6)?`

Kapag ang isang tao ay maysakit sa mahabang panahon, ang sakit ay nagiging karaniwan na, at bagamat tila kakaiba, minsan ay nakakabahala na iwan ang kapansanan sa likuran. Ipinahiwatig ng lalaki sa kanyang sagot na nais niya ng kagalingan. Ang problema ay naghahanap siya nito sa maling lugar-samantalang ang Isa na lumikha ng binti ng tao ay nakatayo sa harapan niya. Hindi kilala ng lalaki kung sino ang nakikipag-usap sa kanya; bagamat pagkatapos ng pagpapagaling, maaari niyang simulang maunawaan na si Jesus, ay tunay ngang Isa na napaka espesyal.

“Hindi hinihingi ni Jesus sa nagdurusang ito na manampalataya sa Kanya. Sinabi lamang Niya, “Tumindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka.” Ngunit ang pananampalataya ng lalaki ay nanghawak sa salitang yaon. Ang bawat ugat at kalamnan ay nagsigalaw na may bagong buhay, at malusog na pagkilos ay nangyari sa kanyang mga lumpung kasukasuan. Walang pagtatanong sinunod niya ang utos ni Cristo, at ang lahat ng kanyang kalamnan ay tumugon sa kanyang kagustuhan. Tumindig sa kanyang mga paa, nasumpungan niya ang kanyang sarili na isang aktibong tao. . . . Hindi siya binigyan ni Jesus ng katiyakan ng banal na tulong. Maaaring sa pag-aalinlangan ay tumigil ang lalaki, at mawala ang tanging pagkakataon na gumaling. Ngunit nanampalataya siya sa salita ni Cristo, at sa pagsunod dito tumanggap siya ng kalakasan.” Ellen G. White, The Desire of Ages, pp. 202, 203.

`Pagkaraan ay nakatagpo ni Jesus ang lalaki sa templo at sinabi, “Ikaw ay gumaling na; huwag ka nang magkasala, baka may mangyari pa sa iyo na lalong masama” (Juan 5:14). Ano ang relasyon sa pagitan ng sakit at kasalanan? Bakit nararapat nating maunawaan na hindi lahat ng sakit ay tuwirang resulta ng partikular na kasalanan sa ating buhay?`
18 changes: 18 additions & 0 deletions src/tl/2024-04/01/05.md
Original file line number Diff line number Diff line change
@@ -0,0 +1,18 @@
---
title: Mga Matitigas na Puso
date: 02/10/2024
---

Ang mga tanda, kababalaghan, at himala, sa loob at sa ganang kanilang sarili, ay hindi nagpapatunay na ang isang bagay ay sa Diyos. Ngunit, sa isang banda, kung ang mga ito ay sa Diyos, isang mapanganib na bagay na tanggihan ang mga ito.

`Basahin ang Juan 5:10-16. Anong mga liksyon ang makukuha natin mula sa nakakamanghang katigasan ng puso ng mga lider ng relihiyon tungkol kay Jesus at sa mga himalang Kanyang ginawa?`

Nang ipakilala ni Jesus ang Kanyang sarili sa lalaki na pinagaling, agad na sinabi ng lalaki sa mga lider ng relihiyon na si Jesus iyon. Iisipin ng isang tao na ito na ang panahon para purihin ang Diyos, ngunit sa halip ang mga lider ay inusig “si Jesus sapagkat ginagawa niya ang mga bagay na ito sa araw ng Sabbath” (Juan 5:16).

Ang mga pagpapagaling ay pinapayagan lamang sa Sabbath sa sa isang emergency. Ang lalaking ito ay lumpo sa loob ng 38 na taon; kaya, ang pagpapagaling sa kanya ay hindi isang emergency. At pagkatapos, bakit din kailangan na kanyang buhatin ang kanyang higaan? Iisipin ng isang tao na ang may kapangyarihan mula sa Diyos na gumawa ng gayong himala ay nalalaman din kung pinahihintulutan na magdala ng banig pauwi sa bahay sa araw ng Sabbath. Malinaw na sinisikap ni Jesus na dalhin sila sa mas malalim na mga katotohanan sa Biblia sa kabila ng mga batas at panuntunan na ginawa ng tao na sa ilang pagkakataon, ay humadlang sa tunay na pananampalataya.

`Ano ang itinuturo ng ibang mga salaysay na ito tungkol sa kung ano ang maaaring maging kalagayan ng mga taong matigas ang espirituwalidad, ano man ang mga katibayan? (John 9:1–16; Mark 3:22, 23; Matt. 12:9–14).`

Paanong naging lubos na bulag ang mga lider ng relihiyon na ito? Ang maaaring sagot ay dahil sa kanilang tiwaling mga puso, ang kanilang maling paniniwala na ang Mesiyas ay ililigtas sila mula sa Roma sa kasalukuyan, at ang kanilang pagmamahal sa kapangyarihan at kakulangan ng pagpapasakop sa Diyos.

`Basahin ang Juan 5:38-42. Ano ang babala ni Jesus? Ano ang matututuhan natin mula sa mga salitang ito? Ibig sabihin, ano ang maaaring nasa atin na bumubulag sa atin sa mga katotohanan na dapat nating malaman at maisagawa sa ating sariling mga buhay?`
20 changes: 20 additions & 0 deletions src/tl/2024-04/01/06.md
Original file line number Diff line number Diff line change
@@ -0,0 +1,20 @@
---
title: Ang Mga Pag-aangkin ni Jesus
date: 03/10/2024
---

Ang himala sa Tipunan ng Tubig ng Bethesda ay nagbigay ng napakabuting pagkakataon para kay Juan upang bigyang-diin kung sino si Jesus. Gumamit si Juan ng siyam na talata upang ipaliwanag ang himala at mga 40 talata (tingnan sa ibaba) upang ipakilala ang Isa na gumawa ng hiumala.

`Basahin ang Juan 5:16-18. Bakit inusig si Jesus sa Kanyang ginawa nang Sabbath?`

Ang Juan 5:18 ay maaaring nakakabahala dahil tila sinasabi nito na nilabag ni Jesus ang Sabbath. Gayunpaman, ang masusing pagbasa sa Juan 5:16-18 ay nagpapakita na iginigiit ni Jesus na ang Kanyang “gawa” sa Sabbath ay kasang-ayon ng Kanyang relasyon sa Kanyang Ama. Hindi tumitigil ang Diyos na tustusan ang sansinukob sa Sabbath. Kasunod nito, ang gawain ni Jesus sa Sabbath ay bahagi ng Kanyang pag-aangkin sa pagka-Diyos. Inusig Siya ng mga lider ng relihiyon ayon sa inaakalang paglabag sa Sabbath at sa pag-aangkin ng pagkapantay sa Diyos.

`Basahin ang Juan 5:19-47. Ano ang sinasabi ni Jesus upang matulungan ang mga lider na makilala kung sino talaga Siya, isang pag-aangkin na makapangyarihang pinatunayan ng mga himala na Kanyang ginawa?`

Ipinagtanggol ni Jesus ang Kanyang mga gawa sa tatlong hakbang. Una, ipinaliwanag Niya ang malapit Niyang relasyon sa Ama (Juan 5:18-30). Sinabi ni Jesus na Siya at ang Kanyang Ama ay magkatugmang gumagawa, sa punto na si Jesus ay may kapangyarihan kapwa upang humatol at bumuhay ng patay (Juan 5:25-30).

Pangalawa, tinawag ni Jesus ang apat na “mga saksi” sa mabilis na pagkakasunod-sunod para sa Kanyang pagtatanggol-si Juan Bautista (Juan 5:31-35), ang mga himala na ginawa ni Jesus (Juan 5:36), ang Ama (Juan 5:37, 38), at ang Mga Kasulatan (Juan 5:39). Bawat isa sa “mga saksing” ito ay nagbibigay ng patotoo ng pagsang-ayon kay Jesus.

Sa kahulihan, sa Juan 5:40-47, iniharap ni Jesus sa mga nagpaparatang sa Kanya ang kanilang sariling kahatulan, na ipinapakita ang pagkakaiba sa pagitan ng Kanyang ministeryo at ng paghahanap nila ng sarili. Ang kanilang kahatulan, sinabi Niya, ay manggagaling kay Moises (Juan 5:45-47), ang isa kung kanino nila inilagak ang kanilang mga pag-asa.

`Paano tayo mag-iingat na hindi mahulog sa bitag ng paniniwala sa Diyos, kahit na mayroong tamang doktrina, ngunit hindi nagpapasakop nang buo kay Cristo? Dalhin ang iyong sagot sa klase sa Sabbath.`
18 changes: 18 additions & 0 deletions src/tl/2024-04/01/07.md
Original file line number Diff line number Diff line change
@@ -0,0 +1,18 @@
---
title: Mga Karagdagang Kaisipan
date: 04/10/2024
---

Hindi siya (ang lalaking lumpo) binigyan ni Jesus ng katiyakan ng banal na tulong. Ang lalaki ay maaaring tumigil upang mag-alinlangan, at maiwala ang kanyang isang pagkakataon na gumaling. Ngunit siya ay nanampalataya sa salita ni Cristo, at sa pagsunod dito ay tumanggap siya ng kalakasan.

“Sa pamamagitan ng kaparehong pananampalataya ay maaari tayong tumanggap ng kagalingang espirituwal. Dahil sa kasalanan ay napahiwalay tayo mula sa buhay ng Diyos. Ang ating mga kaluluwa ay naging paralisado. Sa ganang ating sarili wala tayong higit na kakayahang mamuhay ng isang banal na buhay kaysa sa lalaking walang kakayahang lumakad. . . . Hayaang ang mga ito na nalulungkot at nakikipagpunyagi ay tumingin sa itaas. Ang Tagapagligtas ay nagmamasid sa tinubos ng Kanyang dugo, na nangungusap sa hindi kayang sambiting pagkagiliw at kahabagan, “Nais mo bang gumaling?” Inuutusan ka Niyang bumangon sa kalusugan at kapayapaan. Huwag hintaying madama na ikaw ay pinagaling. Manampalataya ka sa Kanyang salita, at ito ay matutupad. Ilagay mo ang iyong kalooban sa panig ni Cristo. Sa kagustuhang maglingkod sa Kanya, at sa pagsunod sa Kanyang salita tatanggap ka ng kalakasan. Anuman ang maaaring masamang gawain, ang pinapanginoong hilig na sa matagal na pagkakabuyo ay nagtatali sa kaluluwa at katawan, ay kaya at nais iligtas ni Cristo. Magbibigay Siya ng buhay sa kaluluwa na “patay sa pagsuway” Efeso 2:1. Palalayain Niya ang bihag na nakakulong dahil sa kahinaan at pagkasawing-palad at ng mga tanikala ng kasalanan.” Ellen G. Whie, The Desire of Ages, p. 203.

Tinanggihan ni Jesus ang paratang na pamumusong. Ang Aking kapangyarihan, sinabi Niya, sa paggawa ng gawain na siyang ipinaparatang ninyo sa akin, ay dahil ako ang Anak ng Diyos, kaisa Niya sa kalikasan, sa kagustuhan, at sa layunin.” The Desire of Ages, p. 208.

**Mga Tanong Para sa Talakayan**:

`Pagbulayan ang liksyon sa linggong ito. Ang pananampalataya ang susi na nagpaging posible sa mga pagpapagaling na ito. Ang mga lider, sa kabaligtaran, ay nagpakita ng mga panganib ng pag-aalinlangan at kawalang pananampalataya. Bakit hindi natin dapat gawing nakakalito ang pagkakaroon ng mga katanungan (na ginagawa nating lahat) at pagkakaroon ng pag-aalinlangan? Bakit hindi sila magkapareho, at bakit mahalaga na malaman ang pagkakaiba sa pagitan nila?`

`Tingnan ang huling tanong noong Huwebes. Bakit, bilang Seventh-day Adventists, na dapat tayong maging lalong maingat tungkol sa pangnib na ito? Gaano man kahalaga, halimbawa, ang pagkaalam at maging ang pangingilin ng tamang araw ng Sabbath, o malaman ang tungkol sa kalagayan ng namatay- bakit hindi tayo maililigtas ng mga katotohanang ito? Ano ang nagliligtas sa atin, at paano?`

`Tingnang maingat ang Juan 5:47. Paano silang sa kasalukuyan, halimbawa, ay tumatanggi sa pangsanlibutang Baha, o sa literal na anim na araw na paglalang, ay gumagawa ng eksakto sa ibinabala ni Jesus laban dito?`
4 changes: 4 additions & 0 deletions src/tl/2024-04/01/info.yml
Original file line number Diff line number Diff line change
@@ -0,0 +1,4 @@
---
title: "Mga Tanda na Nagtuturo ng Daan"
start_date: "28/09/2024"
end_date: "04/10/2024"
Loading

0 comments on commit 60c9522

Please sign in to comment.