Skip to content

Latest commit

 

History

History
40 lines (40 loc) · 2.04 KB

year.md

File metadata and controls

40 lines (40 loc) · 2.04 KB
  1. Anong ginawa mo nitong taon na kailanma'y 'di mo pa nagagawa?
  2. Napanatili mo ba ang iyong mga pangako noong bagong taon?
  3. May nanganak bang malapít sa'yo?
  4. May sumakabilang-buhay bang malapít sa'yo?
  5. Ano-anong lungsod/estado/bansa ang iyong dinayo?
  6. Ano ang nais mo makamit sa kasunod na taon na nagkulang nitong taon?
  7. Anong (mga) petsa sa taóng ito ang tiyak na mananatili sa iyong ala-ala, at bakit?
  8. Ano ang iyong pinakamalaking tagumpay ng taon?
  9. Ano ang iyong pinakamabigat na kabiguan?
  10. Ano-ano pang mga pagsubok ang iyong hinarap?
  11. Ikaw ba'y nagkasakit o nasugatan?
  12. Anong bagay na iyong binili ang pinakatumatak?
  13. Kaninong ugali ang nararapat ipagdiwang?
  14. Kaninong ugali ang iyong ikinapanlumo?
  15. Saan mo pinakaginugol ang salapi mo?
  16. Ano ang talagang lubusang nakapagpukaw sa'yo?
  17. Anong awitin ang makapagpapaalala sa taon na ito?
  18. Kung paghahambingin ang ngayon at ang kaparis sa nakaraang taon, ikaw ba'y: sumaya o lumungkot? pumayat o tumaba? yumaman o humirap?
  19. Anong nais mong sana dinagdagan mong gawin?
  20. Anong nais mong sana binawasan mong gawin?
  21. Ano ang mga gagawin mo sa bakasyon?
  22. Umibig ka ba nitong taon?
  23. May tao ka bang kinasusuklaman na sa nakaraang taon ay hindi naman?
  24. Anong nakahiligan mong palabas?
  25. Anong binasang aklat ang pinakatumatak sa'yo?
  26. Anong tugtugin na iyong natuklasan ang pinakatumatak nitong taon?
  27. Anong nakahiligan mong pelikula?
  28. Anong nakahiligan mong kainin?
  29. Anong ninais mo at iyong nakuha?
  30. Anong ninais mo ngunit 'di nakuha?
  31. Anong ginawa mo sa kaarawan mo?
  32. Anong isang bagay ang labis pa sanang makapagpapasaya sa iyong taon?
  33. Paano mo mailalarawan ang pansariling kasuotan mo nitong taon?
  34. Anong nakapagpanatili sa iyong katinuan?
  35. Sinong taong sikat ang pinakahinangaan mo?
  36. Anong isyung pampolitika ang umudyok sa'yo?
  37. Sinong pinangungulilaan mo?
  38. Sino ang bago mong nakilala na pinakatumatak sa'yo?
  39. Ano ang pinakamahalagang natutuhan mo sa buhay nitong taon?
  40. May kasabihan bang akmang-akma sa naging taon mo?