diff --git a/src/tl/2024-04/01/01.md b/src/tl/2024-04/01/01.md new file mode 100644 index 0000000000..06ce12da1f --- /dev/null +++ b/src/tl/2024-04/01/01.md @@ -0,0 +1,20 @@ +--- +title: Mga Tanda na Nagtuturo ng Daan +date: 28/09/2024 +--- + +### Basahin Para sa Pag-aaral sa Linggong Ito +Juan 2:1-11; Juan 4:46-54; Juan 5:1-16; Marcos 3:22, 23; Mateo 12:9-14; Juan 5:16-47. + +>
Talatang Sauluhin
+> “Gumawa si Jesus ng marami pang ibang mga tanda sa harapan ng kanyang mga alagad, na hindi naisulat sa aklat na ito. Ngunit ang mga ito ay isinulat upang kayo’y sumampalataya na si Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos; at sa pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa kanyang pangalan” (Juan 20:30, 31). + +Bakit isinulat ni Juan ang kanyang ebanghelyo? Nais ba niyang bigyang-diin ang mga himala ni Jesus? O bigyang-diin ang ilan sa mga tiyak na turo ni Jesus? Ano ang dahilan ng pagsulat niya ng kanyang ginawa? + +Sa ilalim ng kapangyarihan at impluwensya ng Banal na Espiritu, ipinapaliwanag ni Juan kung bakit. Sinasabi niya na bagaman marami pang mga bagay ang maaaring maisulat tungkol sa buhay ni Cristo (Juan 21:25), ang mga kuwentong kanyng isinama ay nangasulat upang “kayo’y sumampalataya na si Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos, at sa pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa kanyang pangalan” (Juan 20:31). + +Ngayong linggo titingnan natin sa Juan ang ilan sa mga naunang himala ni Jesus—mula noong Kanyang gawin ang tubig na alak sa isang kasalan, hanggang sa pagpapagaling ng isang taong ang anak ay may malubhang sakit, hanggang sa pagpapagaling ng lalaki sa tipunan ng tubig sa Bethesda. + +Tinatawag ni Juan ang mga himalang ito na “mga tanda.” Hindi niya ibig sabihin ang katulad ng isang tanda sa kalye, kundi isang mahimalang pangyayari na nagtuturo sa isang malalim na katotohanan: Si Jesus bilang ang Mesiyas. Sa lahat ng mga kuwentong ito, nakikita natin ang mga halimbawa ng mga tao na tumugon sa pamamagitan ng pananampalataya. At ang kanilang mga halimbawa ay nag-aanyaya sa atin na gawin ang gayun din. + +_*Pag-aralan ang liksyon sa linggong ito bilang paghahanda para sa Sabbath, Oktubre 5._ \ No newline at end of file diff --git a/src/tl/2024-04/01/02.md b/src/tl/2024-04/01/02.md new file mode 100644 index 0000000000..887e0d1bb5 --- /dev/null +++ b/src/tl/2024-04/01/02.md @@ -0,0 +1,22 @@ +--- +title: Ang Kasalan sa Cana +date: 29/09/2024 +--- + +`Basahin ang Juan 2:1-11. Anong tanda ang ginawa ni Jesus sa Cana, at paano nito tinulungan ang kanyang mga alagad na manampalataya sa kanya?` + +Ang pagkakita kay Jesus na gumawa ng himala nang gawin ang tubig na alak ay nagbigay ng katibayan kasang-ayon sa pagpapasiya ng mga alagad na sumunod kay Jesus. Paanong ito’y hindi magiging isang makapangyarihang tanda na nagtuturo sa kanya bilang Isang mula sa Diyos? (Maaaring hindi pa sila handa na maunawaan na Siya ay Diyos). + +Si Moises ay lider ng mga Israelita, at dinala niya ang Israel palabas ng Ehipto sa pamamamagitan ng “mga tanda at kababalaghan” (Deuteronomio 6:22, Deuteronommio 26:8). Siya ang lalaki na ginamit ng Diyos upang palayain ang Israel mula sa mga Ehipsyo. (Siya, sa isang kahulugan, ang kanilang “tagapagligtas”). + +Nagpropesiya ang Diyos sa pamamagitan ni Moises na darating ang isang propeta na kagaya ni Moises. Hiningi ng Diyos sa Israel na makinig sa kanya (Deuteronomio 18:15, Mateo 17:5, Gawa 7:37). Ang “propetang” iyon ay si Jesus at, sa Juan 2, ginawa ni Jesus ang Kanyang unang tanda, na siyang nagtuturong pabalik sa pagliligtas ng mga anak ni Israel mula sa Ehipto. + +Ang ilog Nile ay isang mahalagang pinagkukunan at isang diyos para sa mga Ehipsyo. Isa sa mga salot ay nakatuon sa ilog-ang pagbabago ng tubig nito na naging dugo. Sa Cana, ginawa ni Jesus ang kaparehong himala ngunit, sa halip na gawing dugo ang tubig, ginawa Niya itong alak. + +Ang tubig ay nagmula sa anim na tapayan ng tubig na ginagamit sa mga layunin ng paglilinis sa mga rituwal ng mga Judio, na iniuugnay ang himala ng higit na malapit sa mga tema ng kaligtasan sa Biblia. Sa pag-alaala sa pangyayari ng gawin ang tubig na alak, at sa gayon ay tumutukoy pabalik sa Exodo, itinuturo ni Juan si Jesus bilang ating Tagapagligtas. + +Ano ang inisip ng pinuno ng piging tungkol sa hindi fermented na alak na ipinagkaloob ni Jesus? Tunay nga na siya ay nabigla sa uri ng inumin at, sa hindi pagkaalam ng himala na ginawa ni Jesus doon, ay inisip na itinago nila ang pinakamasarap bilang panghuli. + +Ang terminong Griego na oinos ay ginagamit kapwa sa sariwa at fermented na katas ng ubas (tingnan ang Seventh-day Adventist Bible Dictionary, p. 1177). Sinabi ni Ellen G. White na ang katas na ginawa sa pamamagitan ng himala ay hindi nakakalasing (tingnan ang “At the Marriage Feast,” The Desire of Ages, p. 149). Walang pag-aalinlangan, ang mga nakakaalam ng nangyari ay namangha sa kung ano ang naganap. + +`Ano ang iyong mga dahilan upang sumunod kay Jesus? (Marami nang naibigay sa atin, hindi ba?)` \ No newline at end of file diff --git a/src/tl/2024-04/01/03.md b/src/tl/2024-04/01/03.md new file mode 100644 index 0000000000..a3a3aaa9f7 --- /dev/null +++ b/src/tl/2024-04/01/03.md @@ -0,0 +1,20 @@ +--- +title: Ang Pangalawang Tanda sa Galilea +date: 30/09/2024 +--- + +Sa kabuuan ng Kanyang ministeryo sa lupa, gumawa si Jesus ng mga himala na nakatulong sa mga tao na manampalataya sa Kanya. Itinala ni Juan ang mga himalang ito upang ang iba ay manampalataya din kay Jesus. + +`Basahin ang Juan 4:46-54. Bakit gumawa ang ebanghelista ng paguugnay pabalik sa himala sa piging ng kasalan?` + +Sa pagbibigay ng salaysay ng pangalawang tanda na ginawa ni Jesus sa Galilea, itinuturo ni Juan ang unang tanda, sa kasalan sa Cana. Parang sinasabi ni Juan, “Ang mga tanda na ginawa ni Jesus ay tutulong sa iyo na makita kung sino si Jesus.” Pagkatapos ay idinagdag ni Juan, “ito ang ikalawang tanda na ginawa ni Jesus pagkatapos na siya’y pumunta sa Galilea mula sa Judea” (Juan 4:54). + +Sa una, ang tugon ni Jesus sa pakiusap ng pinuno ay tila magaspang. Gayunpaman, ang pagpapagaling sa kanyang anak na lalaki ay ginawang pamantayan ng opisyal na ito upang manampalataya kay Jesus. Nababasa ni Jesus ang kanyang puso at tinukoy ang sakit sa espiritu na lalong malala kaysa sa sakit na nagbabanta sa buhay ng kanyang anak. Tulad ng isang kidlat mula sa isang bughaw na kalangitan, biglang naunawaan ng lalaki na ang kanyang espirituwal na kahirapan ay maaaring magdulot ng pagkamatay ng kanyang anak. + +Mahalagang maunawaan na ang mga himala, sa ganang kanilang sarili, ay hindi nagpapatunay na si Jesus ang Mesiyas. Ang iba ay gumawa ng mga himala. Ang ilan ay mga tunay na propeta, ang iba ay hindi. Ipinapakita lamang ng mga himala ang pag-iral ng supernatural; Sa kanilang sarili, hindi nangangahulugan na tiyak na ang Diyos ang gumagawa sa kanila (makakagawa ng mga “himala” si Satanas, kung sa pamamagitan ng salitang mga “himala” ang ibig nating sabihin ay ang mga gawang supernatural). + +Ang pinuno sa kanyang pagkahapis ay inilagak ang kanyang sarili sa habag ni Jesus, nakikiusap sa Kanya na pagalingin ang kanyang anak na lalaki. Ang tugon ni Jesus ay nagbibigay-katiyakan. Sinabi niya, “Humayo ka na, ang anak mo ay mabubuhay” (Juan 4:50). Ang pandiwang “mabubuhay” ay nasa pangkasalukuyang pamanahon sa Griyego. Ang paggamit na ito ay tinatawag na “panghinaharap na pangkasalukuyan,” kung saan ang hinaharap na pangyayari ay sinalita na may gayong katiyakan katulad nang ito ay kasalukuyang nagaganap. Hindi nagmadaling umuwi sa bahay ang lalaki ngunit, sa pananalig kay Jesus, ay umuwi nang sumunod na araw—at nasumpungan na, sa mismong oras nang sabihin ni Jesus ang mga salitang iyon, nawala ang lagnat ng kanyang anak na lalaki. + +Gaano kamakapangyarihang dahilan upang manampalataya kay Jesus! + +`Kahit na makakakita tayo ng isang himala, anong iba pang pamantayan ang dapat nating tingnan bago agad ipagpalagay na ito ay galing sa Diyos?` \ No newline at end of file diff --git a/src/tl/2024-04/01/04.md b/src/tl/2024-04/01/04.md new file mode 100644 index 0000000000..0830036718 --- /dev/null +++ b/src/tl/2024-04/01/04.md @@ -0,0 +1,16 @@ +--- +title: Ang Himala sa Tipunan ng Tubig ng Bethesda +date: 01/10/2024 +--- + +Ang sumunod na tanda na itinala ni Juan ay naganap sa tipunan ng tubig ng Bethesda (Juan 5:1-9). Pinaniniwalaan na isang anghel ang nagpapagalaw sa tubig at ang unang maysakit na makalusong sa tubig ay gagaling. Dahil dito, ang mga portico ng tipunan ng tubig ay puno ng mga umaasang mapapagaling sa susunod na paggalaw ng tubig. Naparoon si Jesus sa Jerusalem at, samantalang Siya ay dumaraan sa tipunan ng tubig, nakita Niya ang maraming naghihintay. + +Anong klaseng tanawin din ito! Ang lahat ng mga taong ito, ang iba ay tiyak na maysakit, ay patuloy na naghihintay para sa kagalingan sa tubig na tiyak na hindi darating. Gaano kalaking pagkakataon para kay Jesus! + +`Basahin ang Juan 5:1-9. Dahil ang bawat isa sa tipunan ng tubig ay tiyak na nagnanais na gumaling, bakit tinanong ni Jeuss ang paralitiko kung nais niyang gumaling (Juan 5:6)?` + +Kapag ang isang tao ay maysakit sa mahabang panahon, ang sakit ay nagiging karaniwan na, at bagamat tila kakaiba, minsan ay nakakabahala na iwan ang kapansanan sa likuran. Ipinahiwatig ng lalaki sa kanyang sagot na nais niya ng kagalingan. Ang problema ay naghahanap siya nito sa maling lugar-samantalang ang Isa na lumikha ng binti ng tao ay nakatayo sa harapan niya. Hindi kilala ng lalaki kung sino ang nakikipag-usap sa kanya; bagamat pagkatapos ng pagpapagaling, maaari niyang simulang maunawaan na si Jesus, ay tunay ngang Isa na napaka espesyal. + +“Hindi hinihingi ni Jesus sa nagdurusang ito na manampalataya sa Kanya. Sinabi lamang Niya, “Tumindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka.” Ngunit ang pananampalataya ng lalaki ay nanghawak sa salitang yaon. Ang bawat ugat at kalamnan ay nagsigalaw na may bagong buhay, at malusog na pagkilos ay nangyari sa kanyang mga lumpung kasukasuan. Walang pagtatanong sinunod niya ang utos ni Cristo, at ang lahat ng kanyang kalamnan ay tumugon sa kanyang kagustuhan. Tumindig sa kanyang mga paa, nasumpungan niya ang kanyang sarili na isang aktibong tao. . . . Hindi siya binigyan ni Jesus ng katiyakan ng banal na tulong. Maaaring sa pag-aalinlangan ay tumigil ang lalaki, at mawala ang tanging pagkakataon na gumaling. Ngunit nanampalataya siya sa salita ni Cristo, at sa pagsunod dito tumanggap siya ng kalakasan.” Ellen G. White, The Desire of Ages, pp. 202, 203. + +`Pagkaraan ay nakatagpo ni Jesus ang lalaki sa templo at sinabi, “Ikaw ay gumaling na; huwag ka nang magkasala, baka may mangyari pa sa iyo na lalong masama” (Juan 5:14). Ano ang relasyon sa pagitan ng sakit at kasalanan? Bakit nararapat nating maunawaan na hindi lahat ng sakit ay tuwirang resulta ng partikular na kasalanan sa ating buhay?` \ No newline at end of file diff --git a/src/tl/2024-04/01/05.md b/src/tl/2024-04/01/05.md new file mode 100644 index 0000000000..62afb47fb7 --- /dev/null +++ b/src/tl/2024-04/01/05.md @@ -0,0 +1,18 @@ +--- +title: Mga Matitigas na Puso +date: 02/10/2024 +--- + +Ang mga tanda, kababalaghan, at himala, sa loob at sa ganang kanilang sarili, ay hindi nagpapatunay na ang isang bagay ay sa Diyos. Ngunit, sa isang banda, kung ang mga ito ay sa Diyos, isang mapanganib na bagay na tanggihan ang mga ito. + +`Basahin ang Juan 5:10-16. Anong mga liksyon ang makukuha natin mula sa nakakamanghang katigasan ng puso ng mga lider ng relihiyon tungkol kay Jesus at sa mga himalang Kanyang ginawa?` + +Nang ipakilala ni Jesus ang Kanyang sarili sa lalaki na pinagaling, agad na sinabi ng lalaki sa mga lider ng relihiyon na si Jesus iyon. Iisipin ng isang tao na ito na ang panahon para purihin ang Diyos, ngunit sa halip ang mga lider ay inusig “si Jesus sapagkat ginagawa niya ang mga bagay na ito sa araw ng Sabbath” (Juan 5:16). + +Ang mga pagpapagaling ay pinapayagan lamang sa Sabbath sa sa isang emergency. Ang lalaking ito ay lumpo sa loob ng 38 na taon; kaya, ang pagpapagaling sa kanya ay hindi isang emergency. At pagkatapos, bakit din kailangan na kanyang buhatin ang kanyang higaan? Iisipin ng isang tao na ang may kapangyarihan mula sa Diyos na gumawa ng gayong himala ay nalalaman din kung pinahihintulutan na magdala ng banig pauwi sa bahay sa araw ng Sabbath. Malinaw na sinisikap ni Jesus na dalhin sila sa mas malalim na mga katotohanan sa Biblia sa kabila ng mga batas at panuntunan na ginawa ng tao na sa ilang pagkakataon, ay humadlang sa tunay na pananampalataya. + +`Ano ang itinuturo ng ibang mga salaysay na ito tungkol sa kung ano ang maaaring maging kalagayan ng mga taong matigas ang espirituwalidad, ano man ang mga katibayan? (John 9:1–16; Mark 3:22, 23; Matt. 12:9–14).` + +Paanong naging lubos na bulag ang mga lider ng relihiyon na ito? Ang maaaring sagot ay dahil sa kanilang tiwaling mga puso, ang kanilang maling paniniwala na ang Mesiyas ay ililigtas sila mula sa Roma sa kasalukuyan, at ang kanilang pagmamahal sa kapangyarihan at kakulangan ng pagpapasakop sa Diyos. + +`Basahin ang Juan 5:38-42. Ano ang babala ni Jesus? Ano ang matututuhan natin mula sa mga salitang ito? Ibig sabihin, ano ang maaaring nasa atin na bumubulag sa atin sa mga katotohanan na dapat nating malaman at maisagawa sa ating sariling mga buhay?` \ No newline at end of file diff --git a/src/tl/2024-04/01/06.md b/src/tl/2024-04/01/06.md new file mode 100644 index 0000000000..a17603c77f --- /dev/null +++ b/src/tl/2024-04/01/06.md @@ -0,0 +1,20 @@ +--- +title: Ang Mga Pag-aangkin ni Jesus +date: 03/10/2024 +--- + +Ang himala sa Tipunan ng Tubig ng Bethesda ay nagbigay ng napakabuting pagkakataon para kay Juan upang bigyang-diin kung sino si Jesus. Gumamit si Juan ng siyam na talata upang ipaliwanag ang himala at mga 40 talata (tingnan sa ibaba) upang ipakilala ang Isa na gumawa ng hiumala. + +`Basahin ang Juan 5:16-18. Bakit inusig si Jesus sa Kanyang ginawa nang Sabbath?` + +Ang Juan 5:18 ay maaaring nakakabahala dahil tila sinasabi nito na nilabag ni Jesus ang Sabbath. Gayunpaman, ang masusing pagbasa sa Juan 5:16-18 ay nagpapakita na iginigiit ni Jesus na ang Kanyang “gawa” sa Sabbath ay kasang-ayon ng Kanyang relasyon sa Kanyang Ama. Hindi tumitigil ang Diyos na tustusan ang sansinukob sa Sabbath. Kasunod nito, ang gawain ni Jesus sa Sabbath ay bahagi ng Kanyang pag-aangkin sa pagka-Diyos. Inusig Siya ng mga lider ng relihiyon ayon sa inaakalang paglabag sa Sabbath at sa pag-aangkin ng pagkapantay sa Diyos. + +`Basahin ang Juan 5:19-47. Ano ang sinasabi ni Jesus upang matulungan ang mga lider na makilala kung sino talaga Siya, isang pag-aangkin na makapangyarihang pinatunayan ng mga himala na Kanyang ginawa?` + +Ipinagtanggol ni Jesus ang Kanyang mga gawa sa tatlong hakbang. Una, ipinaliwanag Niya ang malapit Niyang relasyon sa Ama (Juan 5:18-30). Sinabi ni Jesus na Siya at ang Kanyang Ama ay magkatugmang gumagawa, sa punto na si Jesus ay may kapangyarihan kapwa upang humatol at bumuhay ng patay (Juan 5:25-30). + +Pangalawa, tinawag ni Jesus ang apat na “mga saksi” sa mabilis na pagkakasunod-sunod para sa Kanyang pagtatanggol-si Juan Bautista (Juan 5:31-35), ang mga himala na ginawa ni Jesus (Juan 5:36), ang Ama (Juan 5:37, 38), at ang Mga Kasulatan (Juan 5:39). Bawat isa sa “mga saksing” ito ay nagbibigay ng patotoo ng pagsang-ayon kay Jesus. + +Sa kahulihan, sa Juan 5:40-47, iniharap ni Jesus sa mga nagpaparatang sa Kanya ang kanilang sariling kahatulan, na ipinapakita ang pagkakaiba sa pagitan ng Kanyang ministeryo at ng paghahanap nila ng sarili. Ang kanilang kahatulan, sinabi Niya, ay manggagaling kay Moises (Juan 5:45-47), ang isa kung kanino nila inilagak ang kanilang mga pag-asa. + +`Paano tayo mag-iingat na hindi mahulog sa bitag ng paniniwala sa Diyos, kahit na mayroong tamang doktrina, ngunit hindi nagpapasakop nang buo kay Cristo? Dalhin ang iyong sagot sa klase sa Sabbath.` \ No newline at end of file diff --git a/src/tl/2024-04/01/07.md b/src/tl/2024-04/01/07.md new file mode 100644 index 0000000000..3b53eecfcf --- /dev/null +++ b/src/tl/2024-04/01/07.md @@ -0,0 +1,18 @@ +--- +title: Mga Karagdagang Kaisipan +date: 04/10/2024 +--- + +Hindi siya (ang lalaking lumpo) binigyan ni Jesus ng katiyakan ng banal na tulong. Ang lalaki ay maaaring tumigil upang mag-alinlangan, at maiwala ang kanyang isang pagkakataon na gumaling. Ngunit siya ay nanampalataya sa salita ni Cristo, at sa pagsunod dito ay tumanggap siya ng kalakasan. + +“Sa pamamagitan ng kaparehong pananampalataya ay maaari tayong tumanggap ng kagalingang espirituwal. Dahil sa kasalanan ay napahiwalay tayo mula sa buhay ng Diyos. Ang ating mga kaluluwa ay naging paralisado. Sa ganang ating sarili wala tayong higit na kakayahang mamuhay ng isang banal na buhay kaysa sa lalaking walang kakayahang lumakad. . . . Hayaang ang mga ito na nalulungkot at nakikipagpunyagi ay tumingin sa itaas. Ang Tagapagligtas ay nagmamasid sa tinubos ng Kanyang dugo, na nangungusap sa hindi kayang sambiting pagkagiliw at kahabagan, “Nais mo bang gumaling?” Inuutusan ka Niyang bumangon sa kalusugan at kapayapaan. Huwag hintaying madama na ikaw ay pinagaling. Manampalataya ka sa Kanyang salita, at ito ay matutupad. Ilagay mo ang iyong kalooban sa panig ni Cristo. Sa kagustuhang maglingkod sa Kanya, at sa pagsunod sa Kanyang salita tatanggap ka ng kalakasan. Anuman ang maaaring masamang gawain, ang pinapanginoong hilig na sa matagal na pagkakabuyo ay nagtatali sa kaluluwa at katawan, ay kaya at nais iligtas ni Cristo. Magbibigay Siya ng buhay sa kaluluwa na “patay sa pagsuway” Efeso 2:1. Palalayain Niya ang bihag na nakakulong dahil sa kahinaan at pagkasawing-palad at ng mga tanikala ng kasalanan.” Ellen G. Whie, The Desire of Ages, p. 203. + +Tinanggihan ni Jesus ang paratang na pamumusong. Ang Aking kapangyarihan, sinabi Niya, sa paggawa ng gawain na siyang ipinaparatang ninyo sa akin, ay dahil ako ang Anak ng Diyos, kaisa Niya sa kalikasan, sa kagustuhan, at sa layunin.” The Desire of Ages, p. 208. + +**Mga Tanong Para sa Talakayan**: + +`Pagbulayan ang liksyon sa linggong ito. Ang pananampalataya ang susi na nagpaging posible sa mga pagpapagaling na ito. Ang mga lider, sa kabaligtaran, ay nagpakita ng mga panganib ng pag-aalinlangan at kawalang pananampalataya. Bakit hindi natin dapat gawing nakakalito ang pagkakaroon ng mga katanungan (na ginagawa nating lahat) at pagkakaroon ng pag-aalinlangan? Bakit hindi sila magkapareho, at bakit mahalaga na malaman ang pagkakaiba sa pagitan nila?` + +`Tingnan ang huling tanong noong Huwebes. Bakit, bilang Seventh-day Adventists, na dapat tayong maging lalong maingat tungkol sa pangnib na ito? Gaano man kahalaga, halimbawa, ang pagkaalam at maging ang pangingilin ng tamang araw ng Sabbath, o malaman ang tungkol sa kalagayan ng namatay- bakit hindi tayo maililigtas ng mga katotohanang ito? Ano ang nagliligtas sa atin, at paano?` + +`Tingnang maingat ang Juan 5:47. Paano silang sa kasalukuyan, halimbawa, ay tumatanggi sa pangsanlibutang Baha, o sa literal na anim na araw na paglalang, ay gumagawa ng eksakto sa ibinabala ni Jesus laban dito?` \ No newline at end of file diff --git a/src/tl/2024-04/01/info.yml b/src/tl/2024-04/01/info.yml new file mode 100644 index 0000000000..f9ebcd4361 --- /dev/null +++ b/src/tl/2024-04/01/info.yml @@ -0,0 +1,4 @@ +--- + title: "Mga Tanda na Nagtuturo ng Daan" + start_date: "28/09/2024" + end_date: "04/10/2024" \ No newline at end of file diff --git a/src/tl/2024-04/01/teacher-comments.md b/src/tl/2024-04/01/teacher-comments.md new file mode 100644 index 0000000000..402e948679 --- /dev/null +++ b/src/tl/2024-04/01/teacher-comments.md @@ -0,0 +1,68 @@ +--- +title: Komento ng Guro +date: 04/10/2024 +--- + +### Unang Bahagi: Pangkalahatang Ideya + +Pokus ng Pag-aaral: Juan 2:1-11, Juan 5:1-9, Juan 5:10-16 + +Habang sinisimulan natin ang trimestreng ito sa ating pag-aaral, Mga Tema sa Ebanghelyo ni Juan, isa-isip natin ang ilang mga katotohanan sa talambuhay na nagbukod kay Juan mula sa iba pang tatlong manunulat ng Ebanghelyo. Si Juan ang pinakabata sa tatlong manunulat, nabuhay nang pinakamahaba, at mas huling isinulat ang kanyang salaysay kaysa sa ibang mga may-akda na sumulat ng sa kanila. May kahinahunan at hindi tuwirang ipinapakilala ni Juan ang kanyang sarili bilang “ang alagad na ito” (Juan 21:23). Kilala siya sa mga kapwa niya disipulo bilang “ang alagad na minamahal ni Jesus” (Juan 21:20). Ang pagtukoy na ito ay maaaring isalin bilang “ang alagad na patuloy na minamahal ni Jesus,” na mas malakas kaysa pang-nagdaang pamanahon na “minahal.” + +Sa background na ito na nasa harap natin, makabubuting isaalang-alang din natin ang kahalagahan ng pangalan ni Juan. Ang Juan ay literal at akmang nangangahulugan na “ang Panginoon ay mapagbiyaya.” Ang maging mapagbiyaya ay nangangahulugan din na “maging mapagmahal.” Si Juan, ang apostol ng pag-ibig, ay sumulat ng marami tungkol sa kabutihang ito kapwa sa kanyang Ebanghelyo at sa kanyang mga liham, na tinutukoy ang kanyang sarili bilang ang alagad “na minamahal ni Jesus” (Juan 13:23), Ang talata bang ito, at ang ibang katulad nito sa Ebanghelyo ni Juan, ay nagmumungkahi na may pagtatangi si Jesus kay Juan, na minamahal siya ng higit kaysa sa ibang mga alagad? Tunay na hindi! Ang pag-ibig ng Diyos ay sagana at nakalaan sa bawat isa. Hindi dahil sa pinakamahal ni Jesus si Juan, kundi ang puso ni Juan ay higit na bukas at nakikinig kay Jesus at sa Kanyang pag-ibig. + +Ninais ni Juan para sa lahat na buksan nang maluwang ang kanilang mga puso kay Cristo at manampalataya sa Kanya bilang ang totoong Mesiyas at ang banal na Anak ng Diyos. Kaya, pagkatapos ng kanyang pambungad na komento, nagsimula si Juan sa unang himala, kung saan ginawa ni Jesus na alak ang tubig sa Cana. Nakasaksi ka na ba ng isang tunay na himala (sa kabila ng tinatawag na mga himala na ipinapakita sa mediang pangrelihiyon)? Bakit napakahalaga kay Jesus na gumawa ng himala? Siya ba ay handa ring gumawa ng gayong makapangyarihang mga himala sa pamamagitan ng ministeryo ng Kanyang mga tagasunod sa ngayon? Sa linggong ito, hahanapin natin ang mga sagot sa huling dalawang tanong na ito. + +### Ikalawang Bahagi: Komentaryo + +Ipinapakita ni Juan na si Cristo, sa pamamamgitan ng paggawa ng maraming mga tanda at himala, ay nagtataglay ng banal na kapangyarihan. Ang mga himalang ito ay nagtuturo ng daan tungo sa nag-iisang Daan na nag-aakay sa walang hanggang buhay. Tinutukoy ni Juan ang ilan lamang sa mga himalang ito-tunay na sapat upang hikayatin ang kanyang mga tagapakinig na tanggapin ang tunay na katiyakan ng kaligtasan at mamuhay ng kaayon nito. Hindi maiiwasang mag-isip ang sinuman kung anong mga uri ng hindi mabilang na mga himala ang nasaksihan ni Juan ngunit hindi naitala. Nagpapatotoo si Juan sa katotothanan na “Gumawa si Jesus ng marami pang ibang mga tanda sa harapan ng Kanyang mga alagad na hindi naisulat sa aklat na ito. Ngunit ang mga ito ay isinulat upang kayo’y sumampalataya na si Jesus ang Cristo, ang Anak ng Diyos, at sa pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa Kanyang pangalan” (Juan 20:30, 31). + +Mabuting magtanong ang isang tao, Ano ang isang “tanda’? At ano ang pagkakaiba sa pagitan ng isang tanda at ng isang ‘himala’? Ang salitang “himala” ay nagmula sa Latin na miraculum, na literal na nangangahulugang isang bagay na “banal ang pinagmulan,” o “magtaka,” o “mamangha.” + +Mayroong dalawang terminong Griyego sa Bagong Tipan na ginamit upang ilarawan ang tinutukoy natin bilang mga himala. Dunamis ang unang termino, na literal na nangangahulugang “kapangyarihan,” kung saan nakuha natin ang salitang dynamite, dynamic, at dynamism‒lahat ay tumutukoy sa isang bagay na makapangyarihan. Sa kahulugan, ang dunamis ay naglalarawan ng isang himala bilang isang pagpapakita ng banal na kapangyarihan ni Cristo sa sanlibutang ito. Sa katotohanan si Cristo ay nagtataglay ng kapangyarihan na bumigkas ng Kanyang Salita, at ito ay naganap. + +Sa kabilang banda, ang ikalawang salita, semeion, o isang tanda, ay tumutukoy sa awtoridad ni Cristo. Tinutulungan tayo ng terminong ito na maunawaan ang mahimalang gawa ni Cristo bilang pagpapakita ng Kanyang banal na awtoridad sa sanlibutan, lalo na sa pagsupil ng mga kapangyarihan ng masasamang pwersa. Tunay nga, mayroong awtoridad si Cristo na utusang lumayas ang mga demonyo, at ginagawa nila. + +Bakit gumawa si Jesus ng napakaraming himala? Una sa lahat, ginawa sila upang tugunan ang mga tiyak na pangangailangan ng tao, na palaging kasama ang espirituwal na dimensyon ng pagpapatawad at pagpapanumbalik. Ikalawa, hindi tulad ng malaking bahagi ng tinatawag na mga himala ngayon, hindi kailanman gumawa si Jesus ng mga himala upang bigyang kasiyahan ang pag-uusisa ng tao kundi tulungan ang mga nangangailangan. Hindi dito [nang tuksuhin ni Satanas] ni sa anumang sumunod na panahon sa Kanyang buhay sa lupa na Siya ay gumawa ng isang himala para sa Kanyang sariling kapakanan. Ang lahat ng Kanyang mga kahanga-hangang gawa ay para sa ikabubuti ng iba.” Ellen G. White, The Desire of Ages, p. 119. + +Ikatlo, ang mga himala ni Cristo ay nagsilbing malinaw na katibayan ng katotohanan ng Kanyang banal na mensahe at misyon sa nawaglit na sangkatauhan. Nang buhayin ni Jesus mula sa kamatayan ang anak na lalaki ng isang balo, ipinahayag ng mga tao na “Dinalaw ng Diyos ang Kanyang bayan” (Lucas 7:16). Ito ay malinaw na katibayan ng Kanyang tunay na pagiging Mesiyas. Ikaapat, ang Kanyang mga himala ay nagsilbing katuparan ng mga propesiya sa Lumang Tipan, katumbas ng mga ipinagpaunang sabihin ng mga patriarka at propeta ng Diyos tungkol sa Kanya. + +**Ang Himala sa Cana** (Juan 2:1-11) + +Nakatutuwang pansinin na ang unang himala ni Jesus (Juan 2:1-11) ay ginawa sa konteksto ng pag-aasawa, na una Niyang itinatag sa Hardin ng Eden. Bakit sa iyong pananaw na ang unang himala ni Jesus ay tungkol sa pag-aasawa? Ang pag-aasawa ay nakaka-apekto sa lahat ng aspeto ng ating buhay. Alam ng diyablo kung gaano kahalaga ang pag-aasawa, kaya sinisikap niyang magdulot ng kawalang kabuluhan at kalituhan sa ating mga tahanan, iglesya, paaralan, at lipunan sa kabuuan. Ang pag-aasawa, at kung paano ito itinuturing sa ating lipunan, ay hindi palaging naaayon sa Biblia o sa panukala ng Diyos. Sa ngayon, karaniwan, ang pag-aasawa sa Estados Unidos ay tumatagal ng halos anim na taon. + +Walang pag-aalinlangan, sa pamamagitan ng himala sa Cana, binigyang diin ni Jesus ang natatanging kahalagahan ng pag-aasawa at pinagpala ito sa pamamagitan ng Kanyang presensya. Sa gayong pagbibigay kahalagahan sa pag-aasawa, itinuturo ni Jesus sa atin na dapat Siya ang nasa sentro ng bawat kasalan upang matiyak ang tagumpay ng pag-aasawa, sapagkat kung ilalagay natin Siya na una at pinakamahalaga sa ating buhay, pag-uumapawin Niya ang Kanyang pag-ibig sa ating mga asawa at gayun din sa iba. Kaya, ang unang himalang ito ay lubusang naaangkop sa ating kulturang postmodern at nararapat hikayatin ang lahat na balikan ang halimabawa ng Isa na nag-disenyo at nagbasbas nito. Ating anyayahan kung gayon ang ating Manlalalang at Manunubos na isaayos at pagpalain ang lahat ng aspeto ng pakikipagtagpo, panliligaw, at pag-aasawa upang magbunga ng sukdulang pagpapala sa sangkatauhan at magdala ng kaluwalhatian sa Kanyang Pangalan. + +Para sa Kanyang unang himala, maaaring piliin ni Jesus ang gumawa ng isang kamangha-manghang pagkabuhay na muli mula sa mga patay sa harapan ng malaking karamihan ng mga lider ng mga Judio at matataas na opisyal. Ngunit sa halip, pinili Niya ang isang simpleng pagtitipon sa isang maliit na bayan at kinatagpo ang mga mababang tao nito kung saan sila naroroon, sa kanilang pang-araw-araw ng mga gawain. + +Si Jesus, ang ating pangunahing halimbawa, ay nakisalamuha sa iba upang mag-angat at magpala, tulad ng asin na inihahalo sa lahat ng uri ng pagkain upang gawin itong masarap. Inabot Niya (Jesus) ang mga puso ng mga tao sa pakikisalamuha sa kanila bilang isa na naghahangad ng kanilang kabutihan. . . . Kinatagpo Niya sila sa kanilang pang-araw-araw na trabaho, at nagpakita ng interes sa kanilang sekular na mga gawain.”—Ellen G. White, The Desire of Ages, p. 151. Higit pa rito, “Hindi natin dapat tanggihan ang panlipunang pakikipag-ugnayan. Hindi natin dapat ihiwalay ang ating mga sarili sa iba. Upang maabot ang lahat ng klase ng mga tao, dapat natin silang katagpuin kung saan sila naroroon.”—The Desire of Ages, p. 152. + +Nakita natin ang paraan ni Cristo upang abutin ang mga tao‒upang iangat at pagpalain sila‒maliwanag kahit nang gawin ang tubig na alak. Ang tubig ay makikita bilang kumakatawan sa ating bautismo kay Cristo, at ang dalisay, unfermented na katas ng ubas ay ang Kanyang nabuhos na dugo para sa ating katubusan. Higit pa rito, pinalitan ni Jesus ang unfermented na alak, na nagpapamanhid ng mga pandama ng mga tao, ng sariwa at nagpapalakas na katas ng ubas na tumutulong na dalhin sila pabalik sa kanilang kaunawaan. + +**Ang Himala sa Tipunan ng Tubig ng Bethesda** (Juan 5:1-9) + +Kadalasan ang pisikal na karamdaman ay kinasasangkutan ng paglabag sa mga espirituwal na batas. Ang ating pang-taong mekanismo ay isang magkakasama at magkakaugnay na nilika. Anumang nakakaapekto sa isang bahagi ay nakakaapekto sa iba. Ngunit dapat tayong maging maingat na huwag hatulan ang iba sa pag-uugnay ng lahat ng karamdamang pisikal sa sinasadyang paglabag sa kautusan ng Diyos, dahil ang lahat ng tao, sa isang pagkakataon o iba pa, ay nagkasala. Ito ay masakit at nakapanglulupaypay sa mga nagdurusa sa kasalanan na sabihan sila na karapat-dapat sila sa kung ano ang nagpapahirap sa kanila. Tulad ni Jesus, ang ating maawain at madamaying saloobin ay dapat daigin ang udyok ng ating damdamin na ituwid muna ang lahat bago tayo tumulong. Ipinakita ni Jesus sa gawa ang prinsipyong ito sa kuwento ng mahimalang pagpapagaling ng lalaking lumpo sa tipunan ng tubig sa Bethesda. + +Gaano nakapagpapalakas ng loob, at nakapagtuturo, na si Jesus ay hindi nakilahok sa isang kritikal na pagsusuri sa mga dahilan ng pagiging lumpo ng lalaki. Hindi ba’t nagdusa siya sa loob ng 38 mahahabang taon sa kapansanang ito? Bakit daragdagan pa ang kanyang pagkakasala at pagdurusa? Bilang mga tagasunod ni Cristo, dapat tayong tumuon sa lunas ng mga problema, hindi lamang sa mga problema. Tila ang taong ito ang pinaka-miserable at walang pag-asa sa Tipunan ng Tubig sa Bethesda, kaya pinili siya ni Jesus upang ipakita na nais Niyang gamitin ang Kanyang banal na kapangyarihan upang tulungan ang pinakawalang magagawa. + +Pansinin na, sa tanging okasyong ito, hindi tinanong ni Jesus kung siya ay nananampalataya o hindi, kundi kung nais niyang gumaling. Pagkatapos ay inutusan ni Jesus ang lalaki na tumindig, buhatin ang kanyang higaan, at lumakad. Ang lalaki ay hindi nag-alinlangan o naghintay na gumaling; Dali-dali siyang sumunod sa utos ni Jesus. Gayundin, tayo man, ano man ang mga kasawian ng ating tila walang pag-asang pisikal at espirituwal na mga hamon, ay dapat tuminging paitaas kay Jesus at mabuhay. Kahit na gaano katagal at kabigat na hinanap natin ang kasagutan sa ibang mga lugar, ang sagot ay nasa tabi natin mismo sa anyo ng ating maibiging Tagapagligtas. + +Isaalang-alang, at isa-puso, ang tugon ng Diyos sa lahat ng uri ng nakalulumpong mga karamdaman: “Huwag mong hintayin na maramdaman na ikaw ay pinagaling. Manampalataya ka sa Kanyang salita, at ito ay mangyayari. . . . Anuman ang masamang gawain, ang pinapanginoong hilig na sa pamamagitan ng matagal na pagpapakabuyo ay naggapos ng kapwa kaluluwa at katawan, si Cristo ay may kakayahan at pagnanais na iligtas.”‒Ellen G. White, The Desire of Ages, p. 203. + +**Matitigas na Puso** (Juan 5:10-16) + +Matitigas na puso, kapag matagal na iningatan, ay humahantong sa pusong bato. Ang puso ng mga Fariseo ay naging laban kay Jesus mula sa pasimula, sa simpleng kadahilanan na hindi Siya angkop sa kanilang pamantayang pang-relihiyon at sumunod sa mahigpit at pinakamaliit nilang mga rituwal at tradisyon. Sa paggawa nito, sinadya nilang balewalain ang mas malalaking isyu ng kaligtasan. Sa pagharap sa himala ng paglakad ng dating walang-pag-asa at walang-kakayahang lalaki na sa loob ng mga dekada ay hindi makalakad at na pinagaling ni Jesus sa tabi ng lawa ng Bethesda, ang mga pinuno ay walang-pakialam na hindi pinansin ang maliwanag na dahilan ng kagalakan. Sa halip, ang kanilang alalahanin ay ang wastong pangingilin ng Sabbath. + +Ang mga lider na nakasaksi sa pagpapagaling ng lumpong lalaki ay lubos na nahumaling sa mga tuntunin ng Sabbath. Iyon ang dahilan kung bakit marahas nilang tinanong siya tungkol sa pagbubuhat niya ng kanyang banig sa Sabbath, gaya ng iniutos ni Jesus na kanyang gawin. Nagalit sila na binuhat ng lalaki ang kanyang higaan: gayunpaman, hindi nila inisip ang tungkol sa pagdurusa o ang kagalingan ng lalaking ito, na hindi makagalaw sa maraming taon at ngayon ay nagtataglay sa kanyang sarili ng kalakasan ng kabataan. Ngunit si Jesus, ang Nagdisenyo at Panginoon ng Sabbath, ay sinadyang gawin ang maraming mga himala sa araw ng Sabbath upang gawing higit na maliwanag na ang espesyal na araw na ito ay inilaang maging isang pagpapala para sa sangkatauhan, at hindi isang pasanin o sumpa nito. + +### Ikatlong Bahagi: Aplikasyon sa Buhay + +1\. Pag-isipan ang sagot sa mga sumusonod na tanong: + +Paano natin gagawing balanse ang pagiging nasa sanlibutan ngunit hindi taga-sanlibutan? + +2\. Tungkol sa ating talakayan ng mga himala, paano natin mauunawaan ang pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng dunamis at semeion? Anong mga halimbawa ang ating masusumpungan sa bawat himala ni Jesus? Ang himala ba ng pagpapalayas ng mga demonyo ay angkop sa kategorya ng semeion? Ipaliwanag. + +Ano ang ilan sa mga panganib ng pagiging hindi matitinag kung kaya’t hindi mapagparaya sa ating mga sariling opinyon? Paano natin mababantayan ang ating mga sarili mula sa kamangmangan ng pagtitiwala sa ating mga makasariling ideya at balewalian ang espiritu ng kautusan, na siyang mas malaking larawan? Paano ka tutugon sa mga kasabihan: “Ang daan ko o ang highway,” o “Nakapag-pasiya na ako. Huwag mo akong lituhin sa mga katotohanan”? + +` ` \ No newline at end of file diff --git a/src/tl/2024-04/02/01.md b/src/tl/2024-04/02/01.md new file mode 100644 index 0000000000..e5d5d09ad4 --- /dev/null +++ b/src/tl/2024-04/02/01.md @@ -0,0 +1,18 @@ +--- +title: Mga Tanda ng Pagka-Diyos +date: 05/10/2024 +--- + +### Basahin Para sa Pag-aaral sa Linggong Ito +Juan 6:1–15, Isaias 53:4–6, 1 Corinto 5:7, Juan 6:26–36, Juan 9:1–41, 1 Corinto 1:26–29, Juan 11. + +>Talatang Sauluhin
+> “Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sumasampalataya sa akin, bagama’t siya’y mamatay, ay mabubuhay. At ang bawat nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailanman. Pinaniniwalaan mo ba ito?” (Juan 11:25, 26) + +Maliwanag ang Biblia na si Jesus ang walang hanggang Anak, kaisa ng Ama, walang pinagmulan at hindi nilikha. Si Jesus ang Siyang lumikha nang lahat ng nilalang (Juan 1:1-3). Kung gayon, Si Jesus ay palaging umiiral; wala kailan mang panahon na hindi Siya umiiral. Bagaman si Jesus ay naparito sa sanlibutang ito at kinuha sa Kanyang sarili ang ating pagkatao, lagi Niyang pinanatili ang Kanyang pagka-Diyos, at sa mga tiyak na panahon nagsabi at gumawa si Jesus ng mga bagay na naghahayag ng pagka-Diyos na ito. + +Ang katotohanang ito ay mahalaga kay Juan, na siyang dahilan, na nang isalaysay ang ilan sa mga himala ni Jesus, ay ginanmit ni Juan ang mga ito upang ituro ang pagka-Diyos ni Cristo. Hindi lamang sinabi ni Jesus ang mga bagay na nagpapahayag ng Kanyang pagka-Diyos kundi pinatotohanan ang Kanyang mga salita ng mga gawa na nagpapakita ng Kanyang pagka-Diyos. + +Ang liksyon sa linggong ito ay tumitingin sa tatlong pinaka dakilang tanda ng pagka-Diyos ni Jesus. Ang kapansin-pansin ay, sa bawat pagkakataon ang ilang mga tao ay hindi naniwala sa himala o naunawaan ang kahalagahan nito. Para sa ilan ito ay panahon ng paglayo kay Jesus; para sa iba, isang panahon ng lumalalang pagka-bulag; at para sa iba, isang panahon upang balakin ang kamatayan ni Jesus. At, para sa iba—isang panahon upang manampalataya na si Jesus ang Mesiyas. + +_*Pag-aralan ang liksyon sa linggong ito bilang paghahanda sa Sabbath, Oktubre 12._ \ No newline at end of file diff --git a/src/tl/2024-04/02/02.md b/src/tl/2024-04/02/02.md new file mode 100644 index 0000000000..5f2eff3064 --- /dev/null +++ b/src/tl/2024-04/02/02.md @@ -0,0 +1,16 @@ +--- +title: Ang Pagpapakain sa Limang Libo +date: 06/10/2024 +--- + +Sa Juan 6:4,5, nagpatuloy ang apostol sa pagsasabi na ang panahon ng pagpapakain sa limang libo ay malapit sa Paskuwa. Ang Paskuwa ay isang paggunita sa pagpapalaya sa Israel mula sa Ehipto. Ang kordero ng Paskuwa ay humalili sa kamatayan ng mga panganay. Ang sakripisyong ito ay sumasagisag sa kamatayan ni Jesus para sa atin. Sa krus, ang karapatdapat nating kaparusahan dahil sa ating mga kasalanan sa halip ay napasa kay Jesus. Si Cristo, ang ating Paskuwa, ay tunay ngang pinatay para sa atin (1 Corinto 5:7). + +“Kanyang pinasan ang kasalanan ng pagsalangsang, at ang pagkakakubli ng mukha ng Ama, hanggang sa ang Kanyang puso at ang Kanyang buhay ay madurog. Ang lahat ng sakripisyong ito ay ginawa upang matubos ang mga makasalanan.” Ellen G. White, The Great Controversy, p. 540. + +`Basahin ang Juan 6:1-14. Anong mga pagkakatulad ang matatagpuan dito sa pagitan ni Jesus at Moises? Ibig sabihin, ano ang ginawa ni Jesus dito na dapat sanang nagpaala-ala sa mga tao ng pagliligtas na tinanggap ng kanilang mga ninuno sa pamamagitan ng ministeryo ni Moises?` + +Maraming mga detalye ng kwentong ito ang naglalagay kay Jesus na kahanay ni Moises sa Exodo. Ang panahon ng Paskuwa (Juan 6:4) ay nagtuturo sa dakilang pagliligtas mula sa Ehipto. Umakyat si Jesus sa bundok (Juan 6:3) tulad ni Moises na umakyat sa Sinai. Sinubok ni Jesus si Felipe (Juan 6:5, 6) tulad ng pagsubok sa mga Israelita sa ilang. Ang pagpaparami sa tinapay (Juan 6:11) ay nagpapaala-ala sa manna. Ang pagtitipon ng mga lumabis na pagkain (Juan 6:12) ay nagbabalik-tanaw sa pagtitipon ng mga Israelita ng manna. Labindalawang bilao ng mga lumabis ang natipon (Juan 6:13), na kaparehong bilang ng labindalawang tribo ng Israel. At ang mga tao ay nagsabi na si Jesus ang propeta na dumating sa sanlibutan (Juan 6:14), kahanay ng “propeta gaya ni Moises” na ipinagpaunang sinabi sa Deuteronomio 18:15. Ang lahat ng ito ay nagtuturo kay Jesus bilang ang bagong Moises-na naparito upang iligtas ang Kanyang bayan. + +Kaya nga, ipinapakita ni Juan si Jesus hindi lamang sa paggawa ng mga tanda at kababalaghan, kundi gumagawa ng mga tanda at kababalaghan na, sa kanilang konteksto, ay nararapat na magkaroon ng natatanging kahulugan para sa mga Judio. Kung baga ay itinuturo Niya sila sa Kanyang sariling pagka-Diyos. + +`Basahin ang Isaias 53:4-7 at 1 Pedro 2:24. Anong dakilang katotohanan ang itinuturo ng mga talatang ito tungkol kay Jesus bilang ang Kordero ng Diyos? Paano nauugnay ang Kanyang pagka-Diyos sa katotohanang ito, at bakit ang katotohanang ito ang pinakamahalagang katotohanan na maaari nating malaman?` \ No newline at end of file diff --git a/src/tl/2024-04/02/03.md b/src/tl/2024-04/02/03.md new file mode 100644 index 0000000000..21614fe7ba --- /dev/null +++ b/src/tl/2024-04/02/03.md @@ -0,0 +1,20 @@ +--- +title: “Tunay nga, Siya ang Propeta” +date: 07/10/2024 +--- + +`Basahin ang Juan 6:14, 15, 26-36. Paano tumugon ang mga tao sa Kanyang himala, at paano ito ginamit ni Jesus upang subuking ituro sa kanila kung sino Siya?` + +Ang mga taga-Judea ay naghihintay ng makalupang mesiyas na magliligtas sa kanila mula sa pagpapahirap ng Imperyo ng Roma. Dalawa sa pinakamahirap na mga bagay na hinaharap sa giyera ay ang pagpapakain sa mga tropa at pangangalaga sa mga sugatan at namatay. Sa pamamagitan ng Kanyang mga himala, ipinakita ni Jesus na kapwa Niya magagawa ang mga ito. + +Ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit naparito si Jesus, at hindi iyon ang layunin ng Kanyang himala. Sa halip, ang kuwento sa pagpapakain ng limang libo ay nagbigay ng pagkakataon na ilarawan na si Jesus ang Tinapay ng Buhay, na nanaog mismo ang Diyos mula sa langit. “ ‘Ako ang Tinapay ng Buhay,’ ” sinabi Niya. “Siya na lumalapit sa akin ay hindi magugutom kailanman’” (Juan 6:35). + +Ito ang una sa pitong “Ako” na mga pangungusap sa Ebanghelyo ni Juan, kung saan ang “Ako” ay kaugnay ng ilang panag-uri (“tinapay ng buhay,” Juan 6:35; “ilaw ng sanlibutan,” Juan 8:12; “pintuan,” Juan 10:7, 9; “Mabuting Pastol,” Juan 10:11, 14; “ang muling pagkabuhay at ang buhay,” Juan 11:25; “ang daan, ang katotohanan, at ang buhay,” Juan 14:6; “tunay na puno ng ubas,” Juan 15:1, 5). Ang bawat isa dito ay nagtuturo ng mahalagang katotohanan tungkol kay Jesus. Ang “Ako” na mga pangungusap ay nagtuturo pabalik sa Exodo 3, kung saan ipinakilala ng Diyos ang Kanyang sarili kay Moises bilang ang dakilang Ako (ihambing ang Juan 8:58). Si Jesus ang Siyang dakilang Ako. + +Ngunit hindi naunawaan ng mga tao ang lahat ng ito. + +“Ang kanilang walang kasiyahang mga puso ay nagtanong ng bakit, kung si Jesus ay makagagawa ng napakaraming kahanga-hangang gawa na tulad ng kanilang nasaksihan, hindi ba Siya makapagbibigay ng kalusugan, lakas, at mga kayamanan sa lahat ng Kanyang bayan, palayain sila mula sa mga nagpapahirap sa kanila, at itaas sila sa kapangyarihan at karangalan? Ang katotohanang inamin Niya na Siya ang Sinugo ng Diyos, gayunpaman ay tumangging maging hari ng Israel, ay isang misteryo na hindi nila maunawaan. Ang Kanyang pagtanggi ay hindi naunawaan ng tama. Marami ang nagpalagay na hindi Niya sinubukang ipilit ang Kanyang mga pag-aangkin dahil Siya mismo ay nag-aalinlangan sa banal na karakter ng Kanyang misyon. Dahil dito binuksan nila ang kanilang mga puso sa kawalang paniniwala, at ang binhi na inihasik ni Satanas at nagbunga ng uri nito, ng hindi tamang pagkaunawa at pagtalikod.” Ellen G. Whtie, The Desire of Ages, p. 385. + +Naghahanap sila ng material na pakinabang sa halip na katotohanan na namamalagi hanggang sa buhay na walang hanggan. Ito ay isang patibong na maaaring kaharapin nating lahat kung hindi tayo mag-iingat. + +`Paano natin maiiwasan ang masilo ng mga material na bagay kapalit ng espirituwal?` \ No newline at end of file diff --git a/src/tl/2024-04/02/04.md b/src/tl/2024-04/02/04.md new file mode 100644 index 0000000000..bfd7a5702f --- /dev/null +++ b/src/tl/2024-04/02/04.md @@ -0,0 +1,20 @@ +--- +title: 'Ang Pagpapagaling sa Bulag na Lalaki: Unang Bahagi' +date: 08/10/2024 +--- + +`Basahin ang Juan 9:1-16. Ano ang naiisip na dahilan ng mga alagad sa pagkabulag ng lalaking ito, at paano itinuwid ni Jesus ang kanilang maling paniniwala?` + +Gumawa ng kaugnayan ang mga alagad sa pagitan ng karamdaman at kasalanan. Ang ilang mga talata sa Lumang Tipan ay tumuturo sa direksyong iyon (ihambing sa Exodo 20:5, 2 Hari 5:15-27, 2 Hari 15:5, 2 Cronica 26:16-21), ngunit ang kuwento ni Job ay dapat na humantong sa pag-iingat tungkol sa kung ang gayong kaugnayan ay palaging nangyayari. + +Itinuwid ni Jesus ang bagay, na hindi ikinakaila ang anumang kaugnayan sa pagitan ng kasalanan at pagdurusa, ngunit sa kasong ito ay itinuturo ang isang mas mataas na layunin, na ang Diyos ay maluluwalhati sa pamamagitan ng pagpapagaling. Ang kuwento ay naglalaman ng natatanging pagkakaugnay sa kasaysayan ng Paglikha, na iyon ay ang paghubog ng Diyos sa unang tao mula sa alabok ng lupa (Genesis 2:7), gaya ng paggawa ni Jesus ng luwad upang bigyan ang bulag na lalaki ng kung ano ang wala siya mula sa sinapupunan. + +Sa Mateo, Marcos, at Lukas, ang mga kuwento ng himala ay sumusunod sa isang karaniwang panuntunan: isang pagpapahayag ng problema, ang pagdadala ng isang tao kay Jesus, ang pagpapagaling, at pagkilala ng kagalingan na may pagpupuri sa Diyos. + +Sa kuwento sa Juan 9, ang pagkakasunod-sunod nito ay nakumpleto sa Juan 9:7. Ngunit karaniwan kay Juan, ang kahalagahan ng himala ay nagiging punto ng mas malawak na talakayan, na humantong sa pag-uusap sa pagitan ng pinagaling na lalaki at ng mga lider ng relihiyon. Ang kapansin-pansing talakayang ito ay umiikot sa dalawang magkasamang magkasalungat na pares ng mga kaisipan-kasalanan/mga gawa ng Diyos at pagkabulag/paningin. + +Ang tagapagsalaysay ay hindi nagsasabi sa bumabasa hanggang sa Juan 9:14 na ginawa ni Jesus ang pagpapagaling sa araw ng Sabbath, na sang-ayon sa tradisyon, at hindi sa Biblia, ay paglabag sa Sabbath. At kaya, itinuring Siya ng mga Fariseo na lumalabag sa Sabbath. Ang kanilang konklusyon ay hindi Siya galing sa Diyos sapagkat kanilang pinanindigan na “Hindi Siya nangilin ng Sabbath.” Ngunit nabahala ang iba na ang isang makasalanan ay makagagawa ng gayong mga tanda (Juan 9:16). + +Ang talakayan ay malayo pa bago matapos, ngunit nagkaroon na ng pagkakabahagi. Ang bulag na lalaki ay nagiging mas maliwanag tungkol sa kung sino si Jesus, ngunit ang mga lider ng relihiyon ay lalo pang lito o bulag sa Kanyang tunay na pagkakakilanlan. + +`Ano ang dapat sabihin sa atin ng kuwentong ito tungkol sa mga panganib na maging labis na bulag sa pamamagitan ng ating mga sariling paniniwala at tradisyon at hindi natin makita ang mga mahahalagang katotohanan na nasa harapan ng ating mga mata?` \ No newline at end of file diff --git a/src/tl/2024-04/02/05.md b/src/tl/2024-04/02/05.md new file mode 100644 index 0000000000..0a02b3ec41 --- /dev/null +++ b/src/tl/2024-04/02/05.md @@ -0,0 +1,16 @@ +--- +title: 'Ang Pagpapagaling sa Bulag na Lalaki: Ikalawang Bahagi' +date: 09/10/2024 +--- + +`Basahin ang Juan 9:17-34. Anong tanong ang itinanong ng mga lider, at paano tumugon ang lalaking bulag?` + +Ang mahabang bahaging ito sa Juan 9 ang tanging bahagi sa Juan na kung saan si Jesus ay hindi pangunahing aktor sa enteblado, bagaman tiyak na Siya ang paksa ng pag-uusap. Tulad ng pagsisimula ng kuwento sa tanong tungkol sa kasalanan (Juan 9:2), itinuring ng mga Fariseo na si Jesus ay isang makasalanan dahil nagpagaling Siya sa Sabbath (Juan 9:16, 24), at sisiraan nila ang pinagaling na lalaki bilang “ipinanganak sa lubos na kasalanan” (Juan 9:34). + +Isang nakakapukaw na pagbabago ang naganap. Ang lalaking bulag ay nakakita ng higit at higit, hindi lang sa pisikal kundi sa espirituwal, habang lumalaki ang kanyang pagpapasalamat at pananampalataya kay Jesus. Sa kabaligtaran, lalong higit at higit na naging bulag ang mga Fariseo sa kanilang pagkaunawa, una sa pagkakabahagi tungkol kay Jesus (Juan 9:16), at sumunod ay ang hindi pagkaalam kung saan Siya nanggaling (Juan 9:29). + +Samantala, ang pagkukuwento ng himalang ito ay nagbigay ng pagkakataon kay Juan upang sabihin sa atin kung sino si Jesus. Ang tema ng mga tanda sa Juan 9 ay kaugnay ng maraming iba pang mga tema sa Ebanghelyo. Muling pinatotohanan ni Juan na si Jesus ang Ilaw ng sanlibutan (Juan 9:5; ihambing sa Juan 8:12). Tinutukoy din ng kuwento ang tungkol sa misteryosong pinagmulan ni Jesus. Sino Siya, saan Siya nanggaling, ano ang Kanyang misyon? (Juan 9:12, 29; ihambing sa Juan 1:14). Ang larawan ni Moises, na tinukoy sa nauang mga kuwento ng himala, ay makikita din sa kabanatang ito (Juan 9:28, 29; ihambing sa Juan 5:45, 46 at Juan 6:32). Sa katapusan, mayroong tema ng pagtugon ng karamihan. Iniibig ng iba ang kadiliman kaysa sa liwanag, samanatalang ang iba ay tumugon na may pananampalataya (Juan 9:16-18, 35-41; ihambing sa Juan 1:9-16, Juan 3:16-21, Juan 6:60-71). + +Dito ay nakakatakot ang pagkabulag na espirituwal ng mga lider ng relihiyon. Ang minsan ay bulag na pulubi ay nakapagpahayag, “Buhat nang magsimula ang sanlibutan ay hindi narinig kailanman na binuksan ng sinuman ang mga mata ng isang taong ipinanganak na bulag. Kung ang taong ito’y hindi galing sa Diyos, Siya ay hindi makakagawa ng anuman” (Juan 9:32, 33). Gayunman, ang mga lider ng relihiyon, ang mga espirituwal na gabay ng bayan, ang mga dapat sana ay unang kumilala kay Jesus at tumanggap sa Kanya bilang Mesiyas—sila, sa kabila ng lahat ng makapangyarihang katibayan, ay hindi nila ito namalas. O sa halip, tunay na hindi nila nais na makita ito. Gaano kamakapangyarihang babala kung paanong maaari tayong madaya ng ating mga puso! + +`Basahin ang 1 Corinto 1:26-29. Paanong ang isinulat doon ni Pablo ay angkop sa kung ano ang nangyari sa tagpong ito, at paanong ang katulad na prinsipyo ay angkop kahit ngayon?` \ No newline at end of file diff --git a/src/tl/2024-04/02/06.md b/src/tl/2024-04/02/06.md new file mode 100644 index 0000000000..f3ef23b0eb --- /dev/null +++ b/src/tl/2024-04/02/06.md @@ -0,0 +1,20 @@ +--- +title: Ang Pagkabuhay na Muli ni Lazaro +date: 10/10/2024 +--- + +Puno ng kalungkutan ang Juan 11—ang malungkot na balita ng karamdaman ng isang mahal na kaibigan (Juan 11:1-3); ang pagtangis sa kanyang kamatayan (Juan 11:19, 31, 33); ang dalamhati ng magkapatid na hindi sana namatay si Lazaro kung narororon lamang si Jesus (Juan 11:21, 32); at ang sariling mga luha ni Jesus (Juan 11:35). + +Ngunit naantala si Jesus ng dalawang araw bago Niya sinimulan ang paglalakbay papunta kay Lazaro (Juan 11:6), na Kanya pang ipinahiwatig na natutuwa Siya na hindi Siya naparoon nang mas maaga (Juan 11:14, 15). Ang pagkilos na ito ay hindi nagmula sa anumang pagiging malamig na damdamin. Sa halip, ay upang ipakita ang kaluwalhatian ng Diyos. + +Sa panahong nakarating tayo sa Juan 11:17-27, apat na araw nang patay si Lazaro. Makaraan ang apat na araw maaaring nabubulok na ang kanyang katawan at, tulad ng sinabi ni Martha, “ ‘Panginoon, sa oras na ito ay mayroon ng amoy, sapagkat apat na araw na siyang patay’” (Juan 11:39). Walang pag-aalinlangan, ang pagkaantala ni Jesus ay tumulong lamang upang gawing mas higit na kamangha-mangha ang sumunod na himala. Ang buhayin ang isang nabubulok na bangkay? Ano pang dagdag na katunayan ang maaaring maibigay ni Jesus na Siya nga ay Diyos mismo? + +At, bilang Diyos, bilang ang Isa na lumikha ng buhay—si Jesus ay may kapangyarihan sa kamatayan. Kaya nga, ginamit ni Jesus ang pagkakataong ito, ang kamatayan ni Lazaro, upang ipahayag ang isang mahalagang katotohanan tungkol sa Kanyang Sarili. “ ‘Ako ang pagkabuhay na muli at ang buhay. Ang sinumang nananampalataya sa akin, bagama’t siya’y mamatay, ay muli siyang mabubuhay, at ang sinumang nabubuhay at nananampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailanman’” (Juan 11:25, 26). + +`Basahin ang Juan 11:38-44. Ano ang ginawa ni Jesus na sumusuporta sa Kanyang pag-aangkin?` + +Kung paanong ipinakita ni Jesus na siya ang Ilaw ng Sanlibutan (Juan 8:12, Juan 9:5) sa pagbibigay ng paningin sa lalaking bulag (Juan 9:7), gayundin dito ay binuhay Niya si Lazaro mula sa mga patay (Juan 11:43, 44) na nagpapakita na Siya ang Pagkabuhay na Muli at ang Buhay (Juan 11:25). + +Ang himalang ito, higit sa iba, ay nagtuturo kay Jesus bilang ang Tagapagbigay ng Buhay, bilang Diyos mismo. Nagbibigay ito ng malakas na suporta para sa tema ni Juan na si Jesus ang banal na Anak ng Diyos, kung magkagayon, sa pamamagitan ng pananampalataya, ay maaari tayong magkaroon ng buhay sa pamamagitan Niya (Juan 20:30, 31). + +Gayunpaman, sa panahong makarating tayo sa katapusan ng nakamamanghang kuwentong ito (Juan 11:45-54), isang malakas ngunit malungkot na kabaligtaran ang magaganap. Ipinakita ni Jesus na kaya Niyang ibalik sa buhay ang namatay, gayunpaman, ang mga taong ito ay nag-iisip na maaari nila Siyang mapigilan sa pamamagitan ng pagpatay sa Kanya? Anong halimbawa ng mga kahinaan ng tao kung ihahambing sa karunungan at kapangyarihan ng Diyos! \ No newline at end of file diff --git a/src/tl/2024-04/02/07.md b/src/tl/2024-04/02/07.md new file mode 100644 index 0000000000..ca265ca8fe --- /dev/null +++ b/src/tl/2024-04/02/07.md @@ -0,0 +1,18 @@ +--- +title: Mga Karagdagang Kaisipan +date: 11/10/2024 +--- + +Basahin ang Ellen G. White, “The Crisis in Galilee,” pp. 383-394; “‘Lazarus, Come Forth,’” pp. 524-536; at “Priestly Plottings,” pp. 537-542, sa The Desire of Ages. + +“Ang buhay ni Cristo na nagbibigay ng buhay sa sanlibutan ay nasa Kanyang salita. Sa pamamagitan ng Kanyang salita na si Jesus ay nagpagaling at nagpalayas ng mga demonyo; sa pamamagitan ng Kanyang salita ay pinatahimik Niya ang dagat, at bumuhay ng patay; at sumaksi ang mga tao na may kapangyarihan ang Kanyang salita. Sinalita Niya ang salita ng Diyos, gaya ng Kanyang sinabi sa pamamagitan ng lahat ng mga propeta at guro sa Lumang Tipan. Ang buong Biblia ay isang kapahayagan ni Cristo, at ang Tagapagligtas ay nagnanais na ituon ng Kanyang mga tagasunod ang kanilang pananampalataya sa salita. Kapag ang Kanyang nakikitang presensya ay dapat ng alisin, ang salita ang dapat nilang maging pinagkukunan ng kapangyarihan. Tulad ng kanilang Guro, dapat silang mabuhay “sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos.’ Mateo 4:4. + +Kung paanong ang ating pisikal na buhay ay tinutustusan ng pagkain, gayun din ang ating espirituwal na buhay ay tinutustusan ng salita ng Diyos. At ang bawat kaluluwa ay tatanggap ng buhay para sa kanyang sarili mula sa salita ng Diyos. Kung paanong dapat tayong kumain para sa ating sarili upang makatanggap ng sustansya, gayundin dapat nating tanggapin ang salita para sa ating sarili. Hindi natin ito dapat matamo lamang sa pamamagitan ng isipan ng iba. Dapat nating pag-aralan ng maingat ang Biblia, na hinihingi sa Diyos ang tulong ng Banal na Espiritu, upang maunawaan natin ang Kanyang salita.” Ellen G. White, The Desire of Ages, p. 390. + +**Mga Tanong Para sa Talakayan**: + +`Ngayong linggo tinunghayan natin si Jesus na nagpakain ng limang libo, nagpagaling ng lalaking bulag mula pagka-panganak, at pagakatapos ay binuhay si Lazaro mula sa mga patay. Sa bawat pangyayari, nagbigay si Jesus ng makapangyarihang katunayan ng Kanyang pagka-Diyos. Gayunpaman, ang mga himalang ito, kahit na sila’y kahanga-hanga, ay lumikha ng pagkakabaha-bahagi. Ang iba’y tumugon ng may pananampalataya, ang iba’y nag-alinlangan. Ano ang itinuturo nito sa atin kung paano, sa harap ng makapangyarihang himala, ay maaari pa ring piliing tumanggi ng mga tao sa Diyos?` + +`Lahat ng mga kuwentong ito ay nagtuturo kay Cristo bilang ang banal na Anak ng Diyos. Bakit ang Kanyang pagka-Diyos ay napakahalaga sa pananampalataya kay Jesus bilang ang Tagapagligtas?` + +`Tingnan muli ang 1 Corinto 1:26-29. Sa paanong mga paraan sa panahon ng ika-21 siglo, nakikita nating gumagawa ang katulad na prinsipyong ito? Ano ang ilan sa “mangmang na mga bagay” na pinaniniwalaan ng mga Kristiyano, mga bagay na tinutuya at tinatanggihan ng mga “matalino ayon sa laman”? Ano ang ating pinaniniwalaan na “naglalagay din sa kahihiyan” ng “mga bagay na makapangyarihan”?` \ No newline at end of file diff --git a/src/tl/2024-04/02/info.yml b/src/tl/2024-04/02/info.yml new file mode 100644 index 0000000000..e7064c84be --- /dev/null +++ b/src/tl/2024-04/02/info.yml @@ -0,0 +1,4 @@ +--- + title: "Mga Tanda ng Pagka-Diyos" + start_date: "05/10/2024" + end_date: "11/10/2024" \ No newline at end of file diff --git a/src/tl/2024-04/02/teacher-comments.md b/src/tl/2024-04/02/teacher-comments.md new file mode 100644 index 0000000000..37f6e2a69b --- /dev/null +++ b/src/tl/2024-04/02/teacher-comments.md @@ -0,0 +1,72 @@ +--- +title: Komento ng Guro +date: 11/10/2024 +--- + +### Unang Bahagi: Pangkalahatang Ideya + +Pokus ng Pag-aaral: Juan 9:1-34, Juan 11:1-44, Juan 6:14 + +Isaalang-alang na muli ang kahanga-hangang katotohanan na ang banal at walang hanggang Anak ng Diyos ay hinubaran ang Kanyang Sarili at naging Diyos sa laman. Ang kamangha-manghang katotohanang ito ay saganang pinatutunayan sa mga Kasulatan. Ang ating limitadong kakayahang pantao ay tiyak na hinahamon sa pagsisikap na maunawaaan ang walang limitasyong katotohanang ito. Upang matulungan tayo sa pagsisikap na ito, ginawa ng Diyos ang Kanyang sukdulan upang matulungan tayong maunawaan, hangga’t maaari, ang katotohanang ito ng Biblia tungo sa kaligtasan. + +Ngayong linggo, isasaalang-alang natin ang tatlong himala na tumatayong tiyak na katunayan ng pagka-Diyos ni Cristo. Ang mga himalang ito ay tiyak na nagbibigay ng karagdagang katibayan na si Jesus ay higit sa pagiging tao lamang. Isaalang-alang, bilang halimbawa, ang Kanyang pagbabagong-anyo sa bundok, kung saan nasaksihan ng Kanyang tatlong malapit na mga alagad ang Kanyang nakasisilaw, banal na kaluwalhatian. Sa biglang pangyayari, “Nagbagong-anyo Siya sa harap nila at nagliwanag ang Kanyang mukha na tulad ng araw, at pumuti ang Kanyang mga damit na tulad sa ilaw” (Mateo 17:2). Higit pa rito, ang himalang ito ay maliwanag na pinatunayan ng nabuhay na mag-uling si Moises at ang iniakyat sa langit na si Elias. + +O sino ang makatatanggi sa pagka-Diyos ni Jesus sa himala ng pagpapakain ng limang libo? Ang pangyayaring iyon ay kakaiba, walang katulad sa kasaysayan. Ang iba ay nanampalataya; gayunpaman, nakapagtataka, ang iba ay hindi, sa kabila ng malinaw na katibayan. Kahindik-hindik na ang katigasan at pagmamataas ay umakay sa kanila na makita ang dilim sa halip na ang Ilaw ng sanlibutan, na nakatayo sa harapan nila. Ang dakilang Ako Nga, na nakilala ng kanilang iginagalang na propeta na si Moises, ay tumahan sa gitna nila, ngunit sila ay naghimagsik laban sa pagtanggap sa Kanya bilang kanilang Mesiyas. + +Ang temporal na tinapay sa pagpapakain ng limang libo ay naglalayong ituon ang atensyon ng mga tao kay Cristo, ang Tinapay ng buhay, na nagbibigay at tumutustos hindi lamang ng pisikal na buhay, kundi ng buhay na walang hanggan. Sa higit na pagbubulay ng pahayag ng “Ako Nga” sa konteksto ng Ebanghelyo ni Juan, nauunawaan natin na si Juan ay tanging nakatuon sa banal na pagpapakilala sa Diyos tulad ng ipinahayag kay Moises sa nagniningas na puno: “Sinabi ng Diyos kay Moises, ‘AKO AY ANG AKO NGA’” (Exodo 3:14). Inilapat ni Jesus ang titulong ito tuwiran sa Kanyang Sarili, sa mga ganitong pahayag, “ ‘Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay’” (Juan 14:6), at “ ‘Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay’” (Juan 11:25). + +Sa Juan 9:1-34, ang pang-Diyos na kapangyarihan ni Jesus ay nahayag din sa pammagitan ng pagpapagaling ng lalaking bulag at, partikular, tulad ng pinaliwanag sa Juan 11, sa kahanga-hangang himala ng pagbuhay kay Lazaro mula sa mga patay. Sa sumusunod na komentaryo, pag-aaralan natin itong dalawang himala ng mas malalim. + +### Ikalawang Bahagi: Komentaryo + +Anong kagila-gilalas na pangyayari ang mangyayari kapag nakita natin ang mukha ni Jesus at ang ating mortal na laman ay nabago, na iniwangis ayon sa Kanyang sariling imortal, maluwalhating katawan! Makikilala natin Siya, mararanasan ang Kanyang pag-ibig, at gugugulin ang walang hanggan sa Kanyang presensya, na hindi lubusang maaarok ang tema ng Kanyang walang kapantay na pag-ibig o lubos ba mauunawaan ang Kanyang walang hanggang likas. + +**“ ‘Totoong ito nga ang Propeta’ ”** (Juan 6:14) + +Nang pakainin ni Cristo ang limang libo mula sa kaunti, simpleng mga sangkap ng pananghalian ng isang batang lalaki, ang mga nakasaksi ng himala ay nagsabi ng ganito tungkol kay Jesus: “ ‘Totoong ito nga ang Propeta na darating sa sanlibutan’ ” (Juan 6:14). Ang mga salitang ito na narinig sa mga salita ni Moises, na nagtuturo sa isang tulad ni Jesus: “ ‘Palilitawin ng Panginoon mong Diyos para sa iyo ang isang propeta na gaya ko mula sa iyong sariling mga kapatid. Sa Kanya kayo makikinig’ ” (Deuteronomio 18:15). + +Makatuwirang isipin ang tungkol kay Moises bilang kapareho ni Jesus. Si Moises at si Jesus ay magkatulad sa kanilang misyon ng pagliligtas ng mga tao mula sa pagka-alipin, halimbawa. Sa lahat ng mga karakter ng Biblia, pinakamalapit si Moises kay Jesus sa Kanyang ministeryo at pamamagitan. Matapos maghimagsik laban sa Diyos ang mga Israelita sa ilang sa pamamagitan ng pagsamba sa ginintuang guya, inialok ni Moises na mamatay sa kanilang lugar, na maging kanilang kahalili. Sa Exodo 32:32, mababasa natin ang nakakaantig na kuwento ng pakikiusap ni Moises sa Diyos na iligtas ang mga buhay ng Kanyang mapanghimagsik na bayan. Nagsalita si Moises sa Diyos, na nagsasabi: “ ‘Ngunit ngayon kung maaari ay patawarin Mo ang kanilang mga kasalanan‒at kung hindi, ay burahin mo ako sa aklat na isinulat Mo.’ ” + +Ang mapagsakripisyo sa sariling pagtatalaga ni Moises sa kanyang suwail na bayan at ang kanyang pagsamo na mamatay kapalit ng iba ay kapuri-puri. Ngunit ang gayong mapagbiyayang alok ay hindi makapagpapatawad ng kasalanan at magpapababa ng kaparusahan nito, ang kamatayan, sapagkat ang sakripisyo lamang ng banal na “Propeta” na si Jesus ang makapagsasakatuparan ng gayong imposibleng gawain. Si Jesus lamang ang Isa na nagtataglay ng kailangang katuwiran at buhay upang ipang-palit para sa ating kasalanan at kamatayan. + +**Ang Pagpapagaling ng Bulag na Lalaki** (Juan 9:1-34) + +Tulad ng ating nakita nang nakaraang linggo sa salaysay ng lalaking lumpo, siya ay nasa gayong kawalang pag-asang kalagayan sa loob ng 38 taon. Ngunit ang bulag na lalaki sa Juan 9 ay “bulag mula pa sa kanyang pagkapanganak” (Juan 9:1). Isipin ang hindi kailanman nagkaroon ng pagkakataong makakita ang anuman at sinuman! + +Higit pa rito, sa pagdaragdag ng insulto sa kapinsalaan, ang dukhang bulag na lalaki ay hindi lamang dumanas ng pisikal na pagdurusa, kundi nagdusa rin siya ng spiritual, mental, at emosyonal. Ang pagkaunawa ng publiko ay ang mga may sakit sa lipunan ay nagdurusa dahil sa kanilang sariling mga kasalanan o sa mga kasalanan ng kanilang mga magulang. Napaniwala ang bulag na lalaki na hindi lamang ang iba ang nagtuturing sa kanya bilang nagkasala, kundi tumitingin din ng walang pagsang-ayon sa kanya ang Diyos. + +Ang maling pagkaunawang ito ay nasa isipan din ng mga alagad, kaya ang tanong nila, “ ‘Rabi, sino ang nagkasala, ang taong ito, o ang kanyang mga magulang, kaya siya’y ipinanganak na bulag?’ ” (Juan 9:2). Sa kanilang pagnanais na ibigay ang sisi, katulad sila ng mga mabuti ngunit nagkakamaling mga Kristiyano ngayon. Sa katulad na paraan, sinubukan ng mga nagkakamaling kaibigan ni Job na ibunton ang sisi sa kanya dahil sa kanyang malagim na trahedya at karamdaman. Tayo ay matuto sa kanilang mga pagkakamali. Bakit hindi, sa halip, ay sundan ang halimbawa ni Jesus na magtuon ng pansin sa solusyon at hindi sa problema? Siya ay naparito sa sanlibutang ito hindi upang humatol, kundi upang magligtas. (Tingnan ang Juan 3:17). + +Pinalawak ng tugon ni Jesus ang pananaw ng Kanyang mga alagad sa mas mataas na antas tungkol sa Kanyang misyon. Ninais ng Diyos na gamitin ang pagkabulag ng lalaking ito upang ipakita ang Kanyang dakilang kapangyarihan na nagpapagaling. Higit pa rito, ang himalang ito ay naglalayong ipakita na si Cristo ang tagapagbigay ng walang hanggang buhay at karunungan, na pinasisigla ang mga tao sa liwanag ng Kanyang katotohanan at kaligtasan. Iniugnay ni Cristo ang Kanyang gawain sa liwanag ng araw, na nagsasabi, “ ‘Kailangan Kong gawin ang mga gawa Niyang nagsugo sa akin samanatalang araw pa. Dumarating ang gabi, na walang taong makakagawa. Habang Ako’y nasa sanlibutan, Ako ang ilaw ng sanlibutan’ ” (Juan 9:4, 5). + +Gaano kaliwanag at kabaligtaran na ang mga lider ng relihiyon, na buo ang kanilang pisikal na paningin, ay may pagmamatigas na tumanggi na makita ang liwanag na itinanglaw ni Cristo sa paligid nila. Kaya, sinadya nilang balutin ang kanilang mga sarili ng palalim ng palalim sa kadilimang espirituwal hanggang hindi na maaaring baguhin ang kanilang pagkabulag sa tunay na liwanag. Sa kabaligtaran, ang pagiging bukas ng lalaking bulag sa liwanag ni Cristo ay hindi lamang nagbigay-daan sa kanya na makakita ng pisikal sa pamamagitan ng kanyang mga mata, kundi nagbigay-daan din sa kanya na magkaroon ng naliwanagang pananaw na espirituwal na kailangan upang makilala si Jesus bilang ang Anak ng Diyos, na Siya lamang ang karapat-dapat sambahin. + +Maaaring pagalingin agad ni Jesus ang bulag na lalaking ito. Ngunit dahil sa Kanyang matalinong mga dahilan, nais Niyang makibahagi ang taong maysakit sa sarili niyang proseso ng pagpapagaling. Matapos Niyang gamitin ang laway upang gumawa ng luwad, ipinahid ng Panginoon ang luwad sa mga mata ng lalaking bulag. Ang mga kamay na gumawa at nagpahid ng luwad ay mismong ang mga kamay ng Tagapagpagaling at Manlalalang, na lumikha ng lupa at mga bituin. Ang lalaking bulag, na pinahiran ng luwad, ay sumunod sa mga salita ni Cristo at dali-daling naparoon sa Tipunan ng Tubig sa Siloam upang maghilamos. Sa paghihilamos, siya ay dagliang gumaling. Ihambing ang kuwentong ito sa salaysay ng Lumang Tipan tungkol kay Naaman, ang heneral ng hukbo ng Syria. Inutusan si Naaman ni propeta Elias na maghugas ng pitong ulit sa ilog ng Jordan upang gumaling sa ketong. Sa una, mahigpit na tumutol si Naaman. Ngunit pagkatapos ay napahinuhod siya at hinugasan ang kanyang sarili at mahimalang nalinis. + +Ang basang luwad ay walang mga magical na mga sangkap. Si Cristo lamang ang tunay na Tagapagpagaling. Ginamit lamang ng Tagapagligtas ang sangkap na ito bilang isang daluyan ng Kanyang kapangyarihan. Gayundin, maaari din nating ikatuwiran na ginamit ni Jesus ang simpleng mga sangkap na panlunas upang humikayat ng paggamit sa mga ito sa pagpapagaling. “Gumamit si Jesus ng mga simpleng bagay ng kalikasan. Samantalang hindi Siya nagbigay ng pagpapahayag sa panggagamot sa pamamagitan ng droga, Kanyang pinahintulutan ang paggamit ng simple at natural na mga panlunas.”‒Ellen G. Whtie, The Desire of Ages, p. 824. + +Kaya ba at handang magpagaling ni Jesus ngayon, kaagad, o unti-unti, sa pamamagitan ng tuwirang mga himala ang mga simpleng panlunas? Paano tayo makikilahok sa Kanyang ministeryo ng pagpapagaling bilang Kanyang mga kinatawan? Pagbulayan ang kinasihang pangungusap na ito: “Siya (si Jesus) ay kasing-handang magpagaling ng may sakit ngayon tulad nang Siya ay personal na nasa lupa. Ang mga lingkod ni Cristo ang Kanyang kinatawan, ang mga daluyan para sa Kanyang paggawa. Ninanais Niya sa pamamagitan nila na isagawa ang Kanyang kapangyarihang magpagaling.”‒The Desire of Ages, pp. 823, 824. + +**Ang Pagkabuhay na Muli ni Lazaro** (Juan 11:1-44) + +Sinabi ni Jesus kay Martha, “ ‘Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sumasampalataya sa Akin, bagama’t siya’y mamatay, ay mabubuhay’” (Juan 11:25). Pansinin, muli, na ginamit ni Jesus ang banal na “Ako Nga” upang itanyag na hindi lamang siya nagbibigay ng buhay, kundi Siya mismo ang buhay. Tinitiyak ng pangakong ito ang katuparan nito kapag nagbalik si Jesus upang dalhin sa tahanan ang Kanyang mga minamahal. Ang mga natutulog kay Cristo ay gigisingin sa isang iglap sa pagkabuhay na mag-uli, na para bang walang panahong lumipas. + +Ang mga namamahinga kay Jesus ay namamahinga tulad nang binuhay na sila sa mga patay, dahil sila ay kabahagi na sa buhay na walang hanggan at sa hinaharap ni Cristo. Tiniyak ni Jesus ang maluwalhating katotohanang ito sa pagtiyak sa Kanyang mga alagad, “ ‘Sapagkat Ako’y nabubuhay ay mabubuhay rin kayo’” (Juan 14:19). Si Jesus ay Siyang mismong buhay at ang Buhay at ang Tagapagbigay-buhay. Sa pananampalataya sa mga katotohanang ito ng Biblia, tunay na hindi tayo magkakaroon ng takot sa kamatayan. Sa kanyang unang liham, inuulit ni Juan ang katotohanang ito: “At ito ang patotoo, na tayo’y binigyan ng Diyos ng buhay na walang hanggan at ang buhay na ito ay nasa Kanyang Anak. Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Diyos ay hindi kinaroroonan ng buhay” (1 Juan 5:11, 12). + +Ang maluwalhating pag-asang ito ang siyang pinaka-kailangan ng sanlibutan, sapagkat ganap na walang nagtataglay ng buhay maliban kay Cristo. Siya ang tanging Isa na sakdal na solusyon sa kamatayan ng sangkatauhan. Ang katotohanang ito ang pinakamagandang balita kailanman, at dapat tayong maging sabik na ibahagi ito sa isang naghihingalong mundo! “Kay Cristo ang buhay, orihinal, hindi hiniram, hindi natamo. . . . Ang pagka-Diyos ni Cristo ang katiyakan ng walang hanggang buhay ng mga nananampalataya.”‒Ellen G. White, The Desire of Ages, p. 530. + +### Ikatlong Bahagi: Aplikasyon sa Buhay + +Pag-isipan at sagutin ang mga sumusunod na katangungan: + +1\. Isaalang-alang ang termino ng Biblia na “propeta.” Bakit tinukoy ng Biblia si Jesus bilang isa? Ang katawagang ito ay maaaring lumito sa ilang mga tao sapagkat hindi lamang Siya isang propeta. Halimbawa, Naniniwala ang mga Muslim na si Jesus ay isang propeta. Gayunpaman, naniniwala tayo na Siya ay higit pa: Si Jesus din ang banal na Anak ng Diyos at ang Tagapagligtas ng sanlibutan. + +2\. Si Moises ay gumanap bilang isang type ni Cristo sa kanyang pamamagitan para sa mapanghimagsik na bayan ng Diyos. Namagitan si Jesus para sa kanila na nagpapako sa Kanya. Sino sa aklat ng Mga Gawa ang pinakamalapit kay Jesus sa gawaing pamamagitan para sa kanyang mga kaaway? Paano tayo tinuturuan ng pagkakatulad na iyon kung paano natin itinuturing ang ating mga mang-uusig? + +3\. Bakit ang espirituwal na pagkabulag ay hindi malulutas maliban sa pagpapagaling ng Diyos? + +4\. Sinabi ni Jesus na hindi ang mga kasalanan ng mga magulang ang dahilan ng pagdurusa ng bulag na lalaki. Paano mo ipagkakasundo ang katotohanang ito sa Exodo 20:5 “ ‘na Aking pinarurusahan ang mga anak dahil sa kasamaan ng mga magulang hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi ng mga napopoot sa Akin?’” + +5\. Bagama’t labis na malinaw mula sa Juan 14:19 at 1 Juan 5:11, 12 na mayroon tayong katiyakan ng kaligtasan kay Cristo, bakit, kung gayon, isang hamon na isakatuparan ang katiyakang ito sa ating mga buhay? Paano natin maipapaliwanag ang pagkatakot ng mga mananampalataya sa kamatayan? + +` ` \ No newline at end of file diff --git a/src/tl/2024-04/03/01.md b/src/tl/2024-04/03/01.md new file mode 100644 index 0000000000..18f0b91682 --- /dev/null +++ b/src/tl/2024-04/03/01.md @@ -0,0 +1,7 @@ +--- +title: 'Ang Backstory: Ang Paunang Salita' +date: 12/10/2024 +--- + +###